Para sa Lakas ng mga Kabataan
Hindi ako ang pinakamahusay kailanman sa anumang subukan ko. Paano ako patuloy na magsisikap nang hindi pinanghihinaan-ng-loob?
Agosto 2024


Mga Tanong at mga Sagot

“Hindi ako ang pinakamahusay kailanman sa anumang subukan ko. Paano ako patuloy na magsisikap nang hindi pinanghihinaan-ng-loob?”

dalagita

“Huwag sumuko! Walang sinuman ang pinakamahusay sa anumang bagay sa unang pagkakataon. Maaaring abutin ka ng buwan o taon para matuto. Nang simulan kong mag-aral ng piyano pitong taon na ang nakararaan, halos hindi ako makatugtog ng isang simpleng awitin na may tatlong nota. Ngayon ay nasasanay na akong magpiyano! Maaari kang humingi ng tulong at lakas kay Jesucristo.”

Doutzen S., 12, Utah, USA

dalagita

“Hangaring magtiwala sa Panginoon. Lagi Siyang nariyan at tutulungan kang magtagumpay. Magplano para sa mga bagay na nais mong isakatuparan at magalak sa maliliit na bagay na ginagawa mo. Isulat ang iyong mga tagumpay at makikita mo ang iyong paglago. Magtiyaga, gawin ang lahat ng makakaya mo, at malaman na may plano ang Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak.”

Unwana A., 21, Akwa Ibom, Nigeria

binatilyo

“Maaari kang humingi ng tulong sa iyong Ama sa Langit. Tutulungan ka Niya dahil mahal ka Niya. Mahirap ang buhay, pero sa tulong Niya, magagawa mo ang anumang bagay.”

Tyler W., 14, Texas, USA

binatilyo

“Ang pagsubok ay bahagi ng plano ng Diyos Maraming beses, nabibigo tayo upang matuto tayo mula sa mga bagay na sinusubukan natin. Minsa’y sinabi sa atin ni Pangulong Russell M. Nelson sa isang kumperensya na huwag matakot na mapag-isa, at malaking tulong iyan sa akin kapag sinusubukan kong gawin ang isang bagay at pakiramdam ko ay hindi ako nagtatagumpay.”

Gonçalo C., 18, Lisbon, Portugal

binatilyo

“Noong nasa misyon ako, nag-aral ako ng Ingles bilang pangalawang wika. Noong una, pinanghinaan ako ng loob dahil hindi ko matutuhan iyon. Isang araw, naalala ko ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson: ‘Nais ng Panginoon na may pagsisikap.’ Inantig niya ang puso ko at nahikayat akong patuloy na pag-aralan ito.”

Diego M., 19, Mexico City, Mexico