Mga Salitang Ipamumuhay
Ang Ating Kasama sa Tuwina
Hango sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2023.
Kailangan natin ang patnubay ng Espiritu Santo sa tuwina. Hinahangad natin ito, pero nag-iisip, nagsasalita, at gumagawa tayo ng mga bagay sa ating pang-araw-araw na buhay na maaaring makasakit sa Espiritu.
Kung nahihirapan kang madama ang Espiritu Santo:
-
Pagnilayan kung may anumang bagay kang kailangang pagsisihan at tumanggap ng kapatawaran.
-
Manalangin nang may pananampalataya para malaman kung ano ang gagawin para maging malinis.
Kung gusto mong matanggap ang patnubay ng Espiritu Santo:
-
Kailangan mong hangarin ito para sa mga tamang dahilan.
-
Ang susi ay ang naisin ang nais ng Tagapagligtas.
-
Sinisikap kong alalahanin ang sakripisyo ng Tagapagligtas at ang Kanyang pagmamahal para sa akin.
Magiging kakaiba ang iyong mga karanasan, at gagabayan ka ng Espiritu sa paraang pinakaakma sa iyong pananampalataya at kakayahang tumanggap ng paghahayag. Taos-puso kong idinadalangin na lumago ang iyong tiwala.