Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang Kapangyarihang Abot-Kamay Mo
Agosto 2024


Ang Kapangyarihang Abot-Kamay Mo

Mayroon kang access sa higit na lakas kaysa inaakala mo.

kamay na nakahawak sa kidlat

Mga larawang-guhit ni Sam Ledoyen

Ang buhay ay maaaring maging mahirap. Nadama mo na ba na maaaring kailangan mo ng kaunti pang tulong para malagpasan ito? Sabi ni Pangulong Russell M. Nelson, “Ang bawat taong nakikipagtipan sa mga bautismuhan at sa mga templo—at tinutupad ang mga iyon—ay mas higit na nakatatamo ng kapangyarihan ni Jesucristo.” Oo, tama ang nabasa mo. Ang paggawa at pagtupad ng mga tipan ay naghahatid ng kapangyarihan ng Tagapagligtas sa buhay mo. Interesado ka ba?

Pagtupad ng Iyong Tipan sa Binyag

Kapag bininyagan ka, nakikipagtipan (sagradong pangako) ka sa Ama sa Langit. At bawat linggo kapag tumatanggap ka ng sakramento, muli mong ginagawa ang tipang ito. Kung gusto mo ng higit na kapangyarihan ng Tagapagligtas sa buhay mo, mahalagang malaman kung ano ang ipinapangako mo at kung paano tutuparin ang mga pangakong iyon.

Jesucristo

Nangangako ka: Na maging handang taglayin sa iyong sarili ang pangalan ni Jesucristo.

“Ang ibig sabihin ng taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo ay aalalahanin natin Siya at sisikapin nating mamuhay bilang Kanyang disipulo habambuhay. Ipinapakita natin sa iba ang Kanyang liwanag sa pamamagitan ng ating kilos. Itinuturing natin ang ating sarili na kapanalig ni Cristo at inuuna natin Siya sa ating buhay.” Ang ibig ding sabihin nito ay “tumayo [tayo] bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng dako” (Mosias 18:9).

Mga posibleng paraan para matupad ang pangakong ito:

  • Taos-pusong magsisi at magsikap na gawin kung ano ang gagawin ng Tagapagligtas.

  • Magdasal sa Ama sa Langit sa pangalan ni Jesucristo.

  • Alalahanin ang Tagapagligtas at alamin ang iba pa tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan.

binatilyo

“Gusto ko talagang basahin ang Aklat ni Mormon dahil nagpapatotoo ito tungkol kay Cristo at nakakahanap ako ng mga sagot sa aking mga tanong. Kaya nga inaanyayahan ko ang lahat na basahin ito.”

Trésor, Democratic Republic of the Congo

mga tablet na may Sampung Utos

Nangangako ka: Na sundin ang mga utos ng Diyos.

“Alam [ng Ama sa Langit] kung ano ang makapagbibigay sa atin ng pinakamalaking kaligayahan. Ang bawat kautusan ay kaloob mula sa Diyos, na ibinigay para gabayan ang ating mga desisyon, protektahan tayo, at tulungan tayong lumago.” Inaanyayahan tayo ng Ama sa Langit na “p[um]asok sa isang tipan sa kanya, na siya ay [ating] paglilingkuran at susundin ang kanyang mga kautusan” (Mosias 18:10).

Mga posibleng paraan para matupad ang pangakong ito:

binatilyo

“Linggu-linggo sa oras ng sakramento, pinaninibago ko ang tipang ginawa ko sa Diyos na sundin ang Kanyang mga utos. Kung susundin natin ang payo ng mga propeta at ang mga utos ng Panginoon, pagpapalain Niya tayo.”

Emmanuel, Côte d’Ivoire

Jesucristo

Nangangako ka: Na maglingkod sa Diyos habambuhay.

Dapat tayong “[magkaroon] ng matibay na hangaring paglingkuran [ang Diyos] hanggang wakas” (Doktrina at mga Tipan 20:37). Ang isang paraan para mapaglingkuran ang Diyos ay sa paglilingkod sa iba—pagiging “[handang] magpasan ng pasanin ng isa’t isa, … at aluin ang mga yaong nangangailangan ng pag-alo” (Mosias 18:8–9; tingnan sa Mosias 2:17).

Mga posibleng paraan para matupad ang pangakong ito:

  • Maghanap ng mga paraan na matutulungan at maaalo mo ang iyong pamilya at mga kaibigan.

  • Maglingkod sa isang calling sa inyong branch o ward.

  • Makibahagi sa mga proyektong pangserbisyo sa komunidad.

dalagita

“Nagkaroon ako ng ideya na mangolekta ng mga school supply para sa mga eskwelahan dito sa Hawaii at sa Pilipinas. Ang paglilingkod na ito ang aking paraan ng pagpapakita ng pagmamahal na tulad ni Cristo. Wala nang mas magandang pakiramdam kaysa sa pakiramdam mo kapag nakakagawa ka ng kaibhan.”

Marielle, USA

Pagkatapos ng binyag: Manatiling tapat hanggang wakas.

“Pagkatapos ng binyag, tayo ay ‘[nagpapatuloy] sa paglakad nang may katatagan kay Cristo’” (2 Nephi 31:20) at “patuloy na matapat na pagsunod sa landas ng ebanghelyo.”

Mga posibleng paraan para makapagpatuloy sa landas ng tipan:

  • Manatiling karapat-dapat sa temple recommend.

  • Alamin ang tungkol sa iyong mga ninuno at magsagawa ng mga binyag para sa kanila sa templo.

  • Maghandang pumasok sa templo para matanggap ang iyong endowment at mabuklod.

“Kailan lang, nagpasiya akong magpabinyag. Mula noon, talagang binago ko na ang pag-uugali ko. Rebelde ako dati, pero nagpasiya na ako ngayon na sundin ang mga pamantayan ng Tagapagligtas.”

Celiany, Venezuela

Pagtanggap ng mga Pagpapala at Kapangyarihan

Sa pagtupad mo ng tipan na ginagawa mo sa binyag, nangangako ang Ama sa Langit ng mga kamangha-manghang pagpapala, kabilang na ang kaloob na Espiritu Santo at kapatawaran mula sa mga kasalanan. Bukod pa riyan, ibinahagi na ng mga propeta at apostol sa ating panahon kung paano naghahatid ng kapangyarihan ang pagtupad sa ating mga tipan.

Tumatanggap ka: Ng lakas na paglabanan ang tukso.

Tumatanggap ka: Ng lakas na maging mas mabuti.

Tumatanggap ka: Ng kapangyarihang makadama ng kapayapaan at kagalakan.

Katapusan

Sa pagsisikap mong tuparin ang tipang ginawa mo sa binyag—at kalaunan, ang mga tipang ginagawa mo sa templo—mapapasaiyo ang kapangyarihan ng Tagapagligtas na tulungan ka sa buhay mo.

Sinabi na ni Pangulong Russell M. Nelson: “Ang pakikipagtipan sa Diyos ay nagbibigkis sa atin sa Kanya sa isang paraan na mas pinadadali ang lahat sa buhay. Huwag sana kayong magkamali ng pag-unawa sa akin: Hindi ko sinabi na pinadadali ng pakikipagtipan ang buhay. Sa katunayan, asahan ang kabaligtaran nito, dahil ayaw ng kaaway na matuklasan ninyo ang kapangyarihan ni Jesucristo. Ngunit ang paglapit ninyo sa Tagapagligtas ay nangangahulugan na nagagamit ninyo ang Kanyang lakas at nakatutubos na kapangyarihan.”

Parang mahirap nga siguro ang buhay. Pinanghihinaan ka siguro ng loob o pakiramdam mo ay kailangan mo ng kaunti pang tulong. Pero kapag tinupad mo ang iyong mga tipan, ibinibigkis mo ang iyong sarili sa Manunubos ng buong sangkatauhan, at natatanggap mo ang kapangyarihan Niyang tulungan ka. Gamit ang Kanyang kapangyarihan, matatanggap mo kalaunan “ang pinakadakilang kaloob ng Diyos—ang kaloob na buhay na walang hanggan.”