Para sa Lakas ng mga Kabataan
Paano ako dapat tumugon sa mga taong bumabatikos sa Simbahan?
Agosto 2024


Tuwirang Sagot

Paano ako dapat tumugon sa mga taong bumabatikos sa Simbahan?

dalagita at isang napakalaking mobile phone

Kapag binabatikos ng mga tao ang Simbahan, “magsimula sa pagtiyak na ang iyong mga salita at kilos ay nahihikayat ng pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang mga anak” (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Gabay sa Pagpili [2022], 33). Magtuon sa mga banal na katangian ni Jesucristo. Magkaroon ng pananampalataya, pag-asa, tiyaga, at pagmamahal gayundin ng kaalaman, karunungan, at habag.

Bukod pa riyan, narito ang ilang bagay na dapat mong itanong sa iyong sarili:

Bakit nila ito ginagawa? Ang pagkaalam kung ano ang nakahihikayat sa mga tao ay maaaring makatulong sa iyo na malaman kung paano tutugon. Tapat ba silang naghahanap ng katotohanan pero nakabasa ng negatibong impormasyon? Sinusubukan lang ba nilang magpagalit at magpasimula ng pagtatalo? Sinusubukan ba nilang ipagtanggol ang sarili nilang mga paniniwala sa pamamagitan ng pag-atake sa atin?

Anong uri ng tugon ang makakatulong sa kanila o sa iba? Hangarin ang patnubay ng Espiritu Santo. Sa ilang sitwasyon, maaaring pinakamainam para sa iyo na huwag na lang tumugon. Kung minsa’y kailangan mo lang magpatotoo at magpakita ng pagmamahal. Sa ibang mga pagkakataon, maaaring ang pinakamainam ay magbigay ng detalyadong tugon. Kung magkagayon, tandaan: “Ipagtanggol ang inyong mga paniniwala nang may paggalang at habag, ngunit ipagtanggol pa rin [ang mga] ito” (Jeffrey R. Holland, pangkalahatang kumperensya ng Abr. 2014 [Ensign o Liahona, Mayo 2014, 9]).