Pangkalahatang Kumperensya
Ulat ng Church Auditing Department, 2022
Pangkalahatang kumperensya ng Abril 2023


2:2

Ulat ng Church Auditing Department, 2022

Sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Mahal kong mga Kapatid: Ayon sa paghahayag, na nakatala sa bahagi 120 ng Doktrina at mga Tipan, ang Council on the Disposition of the Tithes—na binubuo ng Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at Presiding Bishopric—ang nagbibigay ng awtoridad sa paggastos ng pondo ng Simbahan. Ginugugol ng mga unit ng Simbahan ang mga pondo alinsunod sa inaprubahang mga budget, patakaran, at pamamaraan.

Ang Church Auditing, na binubuo ng mga sertipikadong propesyonal at hindi sakop ng iba pang mga departamento at unit ng Simbahan, ay may responsibilidad na magsagawa ng mga audit para makapaglaan ng makatwirang katiyakan tungkol sa mga kontribusyong natanggap, paggastos na ginawa, at pangangalaga sa mga ari-arian ng Simbahan.

Batay sa isinagawang mga audit, sa opinyon ng Church Auditing, sa lahat ng mahahalagang bagay, ang mga kontribusyong natanggap, paggastos na ginawa, at mga ari-arian ng Simbahan para sa taong 2022 ay naitala at napangasiwaan alinsunod sa mga budget, pamamaraan sa accounting, at patakaran na inaprubahan ng Simbahan. Sinusunod ng Simbahan ang mga itinuturo sa mga miyembro nito na mamuhay ayon sa budget, umiwas sa utang, at mag-ipon para sa oras ng pangangailangan.

Buong paggalang na isinumite,

Church Auditing Department

Jared B. Larson

Managing Director