2012
Makita ang Kagalakan na Dulot ng Paskua
Abril 2012


Makita ang Kagalakan na Dulot ng Paskua

  1. Gusto ko ang amoy ng mga bulaklak!

    Napakaganda ng mga ito!

  2. Sabik na ba ang lahat sa araw ng Paskua?

    Medyo po.

    Hindi po gaano.

  3. Akala ko masaya kayo kapag pista-opisyal.

    Totoo po! Ang paborito ko ay Pasko.

    Iyan din ang paborito ko! Gustung-gusto ko pong makatanggap ng mga regalo.

  4. Bakit hindi kayo nasasabik sa araw ng Paskua?

    Malungkot po ang araw ng Paskua. Tungkol po iyon sa pagkamatay ni Jesus.

  5. Naaalala ba ninyo ang nangyari sa Linggo ng Paskua?

  6. Opo! Nabuhay po muli si Jesus!

    At mabubuhay rin po tayo.

  7. Tama. Ang Paskua ay masayang okasyon kung kailan ipinagdiriwang natin ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus.

  8. Gustung-gusto ko po ang araw ng Paskua.

    Ako rin po.

Mga paglalarawan ni Jed Henry

Print