Ano ang masasabi ninyong pinakamahalagang bagay na matatamo ng estudyante mula sa seminary at institute?
Ano ang masasabi ninyong pinakamahalagang bagay na matatamo ng estudyante mula sa seminary at institute? Nang itanong din ito ng grupo ng mga estudyante ng seminary sa Commissioner ng Church Educational System na si Elder Paul V. Johnson ng Pitumpu, sinabi niya na ang pinakamahalagang bagay na iyong matatamo ay ang “tunay na patotoo na si Jesus ang Cristo. Ang pagkaunawa na ang tunay na kaalaman ay ang espirituwal na kaalaman. Ito ang ipinararating ng Espiritu Santo sa bawat isa sa atin. Iyan ang pinakamakapangyarihang katotohanan, ang pinakamagandang bagay na maidudulot ng seminary at institute. Hindi lamang nito binabago ang nalalaman mo; binabago nito kung sino ka, at binabago nito ang pananaw mo sa mundo. At ang ganyang mataas na uri ng pag-aaral ang pumupuno sa iba pa ninyong pag-aaral” (“A Higher Education,” New Era, Abr. 2009, 15).
Si Elder Johnson ay isa sa maraming General Authority na nagsalita tungkol sa pinakamagagandang pagpapalang nagmumula sa pagdalo sa seminary at institute. Kaya kung itinatanong ninyo kung bakit kailangan ninyong pumunta sa seminary, heto pa ang ilang mabubuting dahilan mula sa mga propeta at apostol.