2012
Itinuturo sa Akin ni Jesucristo na Piliin ang Tama
Abril 2012


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Itinuturo sa akin ni Jesucristo na Piliin ang Tama

Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.

Para kay Tanner, maiiba ang Paskua sa taong ito. Namatay na ang kanyang lolo, at malungkot si Tanner na hindi na niya makakasama ito kahit kailan sa espesyal na araw na ito.

Pero sa oras ng Primary, ipinaalala kay Tanner na kaya natin ipinagdiriwang ang Paskua ay dahil buhay si Jesus.! Noong Siya ay nabuhay na mag-uli, ang Kanyang espiritu at katawan ay nagsamang muli, hindi na kailanman mamamatay. Nalaman ni Tanner na dahil nabuhay na mag-uli si Jesus, ang lahat ay mabubuhay na muli balang-araw, pati na ang kanyang lolo!

Isang awitin sa Paskua ang nagpasaya kay Tanner nang kantahin niya ang: “Si Jesucristo ay nagbangon. O kay saya; Siya’y nagbangon.”1 Gustong ibahagi ni Tanner ang magandang balitang ito sa lahat. Nagpasiya siya na bago sumapit ang araw ng Paskua, maglalagay siya sa pintuan ng kanyang mga kapitbahay ng maliliit na bungkos ng bulaklak na may mga talata ng banal kasulatan tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus. Parang naiisip niya ang mga nakangiti nilang mukha kapag nakita nila ang kanyang regalo sa umaga ng Paskua.

Tala

  1. “Si Jesus ay Nagbangon,” Aklat ng mga Awiting Pambata, 44.