2012
Sama-samang Pag-uusap
Abril 2012


Sama-samang Pag-uusap

Narito ang ilang mungkahi para magkaroon ang sarili ninyong pamilya ng “oras ng pag-uusap”:

  • Kausapin ang inyong mga magulang tungkol sa paglalaan ng kaunting oras bawat araw para sama-samang makapag-usap ang inyong pamilya. Maaaring gawin ito sa oras ng pagkain o sa isang partikular na oras sa maghapon.

  • Tiyaking naghahalinhinan ang lahat sa pagsasalita at pakikinig. Isali ang lahat!

  • Igalang ang opinyon ng mga miyembro ng inyong pamilya. Tiyaking nadarama ng bawat isa na siya ay mahalaga.

Mga Laro para sa Oras ng Pag-uusap

Kailangan ba ninyo ng mga ideya para sa oras ng pag-uusap? Subukan ninyong laruin ang mga ito:

Hagisan ng Beanbag: Kung marami kayo sa pamilya o nahihirapan kayong maghalinhinan, gumamit ng beanbag para malaman kung sino ang magsasalita. Pagkatapos masabi ng taong may hawak sa beanbag ang gusto niyang sabihin, ihagis ang beanbag sa isa pang miyembro ng pamilya para siya naman ang magsalita.

Tagapag-interbyu: Gumawa ng mga grupo na may tig-dalawang miyembro at halinhinan na magkunwaring tagapag-interbyu. Mag-isip ng ilang itatanong sa partner o kasama at itanong ang mga ito sa kanya. Puwede rin kayong gumamit ng totoong mikropono o sound recorder sa inyong pag-iinterbyu.

Ano ang Gagawin Ninyo? Maghalinhinan sa pagtatanong sa inyong pamilya ng iba’t ibang tanong na nagsisimula sa “Ano ang gagawin ninyo kung … ?” Ilang halimbawa ay “Ano ang gagawin ninyo kapag naligaw kayo?” at “Ano ang gagawin ninyo kung puwede kayong pumunta kahit saang panig ng mundo?”

Tulong sa mga Magulang: Mag-ukol ng Oras sa Bawat Isa

Kahit masayang mag-usap bilang pamilya, mahalaga ring may kani-kanyang oras na iuukol sa bawat isa ang mga magulang at anak. Samantalahin ang pagkakataong makakausap ninyo nang isa-isa ang inyong mga anak. Yayain ang isang anak na tulungan kayong tapusin ang isang gawaing-bahay, samahan kayo sa inyong pupuntahan, o makipagkuwentuhan nang ilang minuto sa inyo sa kuwarto ninyo. Ang gayong ilang sandali ay maaaring maging masayang pag-uusap.