2012
Makikita Ko Siyang Muli
Abril 2012


Mga kabataan

Makikita Ko Siyang Muli

Espesyal ang pagtrato ni Itay sa bawat isa sa amin. Mahal niya kami at madali siyang magpatawad. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang matiyak na masaya ang bawat isa sa amin, at nilinaw niya na gusto niya ang pinakamainam para sa amin. Mahal na mahal ko siya.

Noong ako ay nasa grade six, namatay si Itay sa isang aksidente. Labis na nagdalamhati ang aming pamilya. Nagkaroon ng malaking kawalan sa aming pamilya. Si Itay ang taong inaasahan ko, ang siyang nilalapitan ko kung may mga problema ako. Sa halip na humingi ng tulong, hinayaan kong manatili ang galit at hinanakit. Sa huli ay naisip kong kasalanan iyon ng Diyos. Tumigil ako sa pagbabasa ng aking mga banal na kasulatan at sa pagdarasal. Nagsisimba lang ako dahil gusto ni Inay na magsimba ako. Pinilit kong lumayo sa aking Ama sa Langit.

Pagkatapos ay nagpunta ako sa kauna-unahang pagkakataon sa Young Women camp. Gusto kong magkaroon ng mga bagong kaibigan, pero hindi ko pa rin binabasa ang aking mga banal na kasulatan. Sa huling gabi, nagkaroon kami ng testimony meeting. May nadama akong isang bagay na matagal ko nang hindi nadarama: ang Espiritu. Humanga ako sa mga dalagitang tumayo at nagpatotoo, pero nanatili akong nakaupo dahil akala ko ay wala akong patotoo. Bigla ko na lamang nadama na kailangan kong tumayo. Ibinuka ko ang aking bibig, iniisip kung ano ang sasabihin ko. Kaya sinabi ko na masaya ako na mayroong Young Women camp. Pagkatapos ay namalayan ko na lamang na sinasabi ko na alam kong namatay si Jesucristo para sa akin at na mahal ako ng Ama sa Langit, at totoo ang Simbahan.

Napuspos ako ng matinding kapayapaan. Salamat sa karanasang ito sapagka’t masasabi ko na alam kong makikita kong muli si Itay dahil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas.