2012
2 Kay Timoteo 3:16–17
Abril 2012


Taludtod sa Taludtod

II Kay Timoteo 3:16–17

Itinuro ni Apostol Pablo kung paano pinagpapala ng mga banal na kasulatan ang ating buhay.

16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

17 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

Lahat ng Banal na Kasulatan

Elder Robert D. Hales

“Kapag nais nating makipag-usap sa Diyos, nagdarasal tayo. At kapag gusto nating kausapin Niya tayo, sinasaliksik natin ang mga banal na kasulatan; dahil ang Kanyang mga salita ay inihahayag sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta. Sa gayon ay tuturuan Niya tayo habang nakikinig tayo sa mga panghihikayat ng Banal na Espiritu.

“Kung hindi pa ninyo narinig ang Kanyang tinig nitong mga nakaraang araw, muling basahin at pakinggan nang may bagong pananaw ang mga banal na kasulatan. Ito ang nangangalaga sa ating espirituwalidad.”

Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mga Banal na Kasulatan: Ang Kapangyarihan ng Diyos sa Ating Ikaliligtas,” Liahona, Nob. 2006, 26–27.

Turo o Doktrina

Pangulong Boyd K. Packer

“Ang tunay na doktrina, kapag naunawaan, ay nagpapabago ng asal at pag-uugali. Ang pag-aaral ng mga doktrina ng ebanghelyo ay mas mabilis na makapagpapabuti sa pag-uugali kaysa sa mismong pag-aaral ng pag-uugali.”

Pangulong Boyd K. Packer, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Huwag Matakot,” Liahona, Mayo 2004, 79.

Pagsansala

Pagsansala—pagsabihan, kastiguhin, kagalitan, o ituwid, karaniwan sa mahinahong paraan.

Pagsaway

Ang orihinal na salitang Griyego na ginamit sa Biblia ay literal na nangangahulugang “pagtutuwid na muli.” Kaya’t ang mga banal na kasulatan ay tumutulong sa inyo na manatili sa linya at sundan ang tuwid at makitid na landas (tingnan sa 2 Nephi 9:41).

Tinuruan

Tinuruan—binigyan, sinuplayan.

Mabubuting Gawa

Anong mabubuting gawa ang itinutulong sa inyo ng mga banal na kasulatan na paghandaang gawin? Narito ang ilang mas karaniwan. Mayroon pa ba kayong ibang naiisip? Isulat ang tungkol sa mga ito sa inyong journal.

  • Paglilingkod bilang full-time missionary

  • Pagganap sa mga tungkulin sa Simbahan (tulad ng mga panguluhan ng korum at klase)

  • Pagtuturo ng ebanghelyo

  • Pagpapatotoo

  • Pagbabahagi ng ebanghelyo

  • Pagsagot sa mga tanong ng mga kaibigan tungkol sa Simbahan

Larawang ipininta ni Paul Mann © 2002 IRI