Paglilingkod sa Ama sa Langit
-
Nakatingin si Kevin habang naghahanda ang kuya at ate niya sa pagpunta sa templo upang magpabinyag para sa mga patay. Gusto ring sumama ni Kevin.
-
Itay, puwede po ba akong sumama?
Bata ka pa, pero natutuwa ako’t gusto mong sumama. Kapag 12 taong gulang ka na, puwede ka nang sumama.
-
Tinulungan ni Kevin ang ate niya sa paghahanda ng bag nito. Pagkatapos ay tinulungan niyang pumili ng kurbata ang kuya niya.
-
Umalis na sila, at naiwan sa bahay si Kevin kasama si Inay at ang bunsong kapatid niyang si Erin.
-
Nang umiyak si Erin, binigyan siya ni Kevin ng teddy bear.
-
Alam kong masaya ang Ama sa Langit sa ginawa mong paglilingkod sa Kanya ngayon.
Pero hindi po ako pumunta sa templo.
-
Oo nga, pero tinulungan mong maghanda ang kuya at ate mo. At tinutulungan mo akong alagaan si Erin.
-
Kapag tinutulungan mo ang ibang tao, pinaglilingkuran mo ang Ama sa Langit.