TAHANAN ni Leute
Gabi-gabi nagtitipon ang pamilya ni Leute sa tradisyonal na Samoan fale, isang kubo na hugis-itlog ang bubong. Ito ay mga 15 talampakan (4.6 m) ang haba at 10 talampakan (3 m) ang lapad at walang dingding, bagaman kung minsan ay naglalagay sila ng mga kumot na pantakip.
Si Leute, edad 10, at ang kanyang mga kapamilya ay nauupo nang pabilog sa sahig at nag-aaral ng mga banal na kasulatan. Kumakanta sila ng mga himno at pinag-uusapan nila ang mga bagay-bagay sa pamilya bago matulog.
Ang oras na ito na sama-sama sila gabi-gabi ay tinatawag na sā, na ibig sabihin ay “sagrado.” Ito ang panahon na magkakasama ang karamihan sa mga pamilya sa Samoa.
Itinuro ng mga propeta na dapat maging sagradong tulad ng templo ang ating tahanan. Anuman ang hitsura ng bahay natin, may mga bagay tayong magagawa para maanyayahan ang Espiritu Santo sa ating tahanan at maging maganda at masayang lugar ito ng kapayapaan at pagkatuto.