2012
Ang Ating Pahina
Agosto 2012


Ang Ating Pahina

Lucas L., edad 9, Argentina

Pagkakaroon ng Pananampalataya sa Diyos

Ang buklet na Pananampalataya sa Diyos ay nakatulong sa pag-unlad ko sa pagsunod sa mga kautusan ng Ama sa Langit. Hinihikayat ko ang lahat ng bata na tapusin ang buklet at paunlarin ang kanilang mga talento sa pamamagitan ng paglilingkod sa Simbahan. Nagtakda ako ng mithiin at nagdueto kami ng kapatid kong lalaki sa pagtugtog ng biyolin sa simbahan. May kapatid akong nasa misyon—mabuting halimbawa siya sa akin, gayon din ang lahat ng miyembro ng aking pamilya!

Charlotte de B., edad 10, France

Gustung-gustong magsimba ni Rebeca B., edad 4, na taga-Brazil. Gusto niyang kantahin palagi ang “Ako ay Anak ng Diyos” at “Mag-anak ay Magsasamang Walang Hanggan” sa family home evening, at alam niya ang buong kanta. Sa edad na tatlong taon at ilang buwan, kabisado na niya ang unang tatlong Saligan ng Pananampalataya. Ang Linggo raw ay araw ng Panginoon at isang biyaya sa kanyang pamilya.

Mahal na mahal ni Jay R., edad 5, na taga-Indonesia, ang kanyang pamilya. Tinuruan siya ng kanyang mga magulang na mahalin ang kapwa. Marami siyang kaibigan, at gusto niyang magbahagi sa kanila. Mahal niya ang mga nilikha ng Panginoon, tulad ng mga halaman at hayop. Gusto niya talaga ang mga insekto pati ang mga gagamba, dahil gumagawa ito ng sarili nilang sapot. Nagpapasalamat siya sa lahat ng bagay na nilikha ng Panginoon para sa kanya.

Timothy K., edad 3, Ukraine