2012
Sa mga Balita
Agosto 2012


Sa mga Balita

Liahona Mababasa na Ngayon sa Simplified Chinese

Mababasa na ngayon ng mga nagsasalita ng wikang Chinese ang Liahona sa simplified Chinese.

Anim na isyu ng Liahona—ang dalawang isyu ng kumperensya (Mayo at Nobyembre) at apat na regular na isyu (Enero, Abril, Hulyo, at Oktubre)—ay gagawin sa simplified Chinese kada taon. Ang mga isyu ng Enero at Abril 2012 ay inilathala lamang online; ang isyu ng Mayo ang unang inilathala sa magasin.

Para sa impormasyon tungkol sa pagkuha o pag-subscribe ng bawat isyu ng magasin, mangyaring kontakin ang Distribution Services o bisitahin ang store.lds.org.

Itinampok ng mga Magasin ng Simbahan ang mga Pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan

Simula sa buwang ito, itatampok ng mga magasin ng Simbahan ang mga serye ng artikulo na nagtatampok ng mga pamantayan na ibinalangkas sa bagong update na buklet ng Para sa Lakas ng mga Kabataan. Ilalathala ang mga serye sa New Era at sa mga pahina para sa mga kabataan sa Liahona sa loob ng maraming buwan (maliban sa mga isyu tungkol sa kumperensya); ang bawat artikulo ay magpopokus sa iba’t ibang pamantayan at isusulat ng miyembro ng pangkalahatang panguluhan ng Young Men o Young Women organization o ng miyembro ng Pitumpu.

Ang isang-pahinang artikulo para sa matatanda tungkol sa paraan na maituturo ng mga magulang sa kanilang mga anak ang pamantayan para sa buwang iyon ay isasama sa Liahona at Ensign, at, kapag ang mga paksa sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ay tumugma sa mga paksa sa Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo para sa mga bata sa Primary, magkakaroon din ng artikulo para sa mga bata sa Liahona at sa Friend.

FamilySearch Indexing App Magagamit na Ngayon

Ang FamilySearch Indexing app para sa mga gumagamit ng iPhone at iPad ay makatutulong na ngayon na maingatan at maibahagi ng mga tao ang mahahalagang genealogical record mula sa iba’t ibang panig ng mundo gamit ang mga mobile device.

Ang app, na inilabas kasabay ng 1940 United States Census para sa indexing, ay maida-download na mula sa Apple App Store (iOS devices) o Google Play (Android version).

Makukuha sa wikang Ingles at Espanyol, magagawa ng mga gumagamit ng app na makakita ng maliliit na impormasyon—pangalan, lugar, o iba pang mahalagang impormasyon—mula sa sulat-kamay na mga dokumentong pangkasaysayan tulad ng birth certificate, kontrata sa kasal, o rekord sa census. Ang gagawin lamang ng indibiduwal ay mag-transcibe (mag-iindex) ng anumang makita nila, at idaragdag ng FamilySearch indexing system ang datos sa koleksyon ng mga genealogy record na nasa familysearch.org.

Mababasa na ngayon ng mga nagsasalita ng Chinese sa iba’t ibang panig ng mundo ang Liahona sa simplified Chinese.

Sa bagong FamilySearch Indexing app mas maraming tao na ang makapag-aambag sa family history research nang kaunti o maramihan.