2012
Komentaryo
Agosto 2012


Komentaryo

Patuloy Niyang Inihahayag ang Kanyang mga Lihim

Noong mga 13 taong gulang ako, nakatira ako sa mga lola ko. Isang araw may nakita akong mga magasin na nasa isang tabi lang at sinimulan kong basahin ang mga ito. Naglalaman ito ng mga kuwento tungkol sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo, na nagkukuwento ng mga himalang nangyari sa buhay nila. Ang mga magasing ito ay ang Liahona; ang aking tiyahin, na miyembro ng Simbahan, ang nag-iwan ng mga magasin sa bahay ng lola ko.

Naging interesado ako sa mga kuwento, at parang may nagsasabi sa akin na totoo ang sinasabi nila. Isang taon kalaunan nabinyagan ako, at mula noon nagkaroon na ako ng sariling suskrisyon. Naging gabay at biyaya sa akin ang magasin. Para sa akin isang katibayan ito na mahal tayo ng Diyos at patuloy na inihahayag ang Kanyang mga lihim sa Kanyang mga propeta (tingnan sa Amos 3:7).

Lucilino Mendonça, Cape Verde

Temporal at Espirituwal na Tulong

Gustung-gusto kong basahin ang magasin na Liahona tinutulungan ako nito sa temporal at espirituwal. Pinalalakas nito ang aking pananampalataya, pinahuhusay ang aking mga talento at kakayahan, at nililinis ang aking isipan sa pamamagitan ng mga nagbibigay-inspirasyong mga payo ng mga miyembro ng Simbahan at ng ating mga buhay na propeta.

Derek Balolong, Philippines