Mga Kabataan
Paglilingkod sa Templo
Nang mag-edad 17 ako, nagsimula akong mag-isip nang seryoso tungkol sa kinabukasan ko, at ipinagdasal ko sa Ama sa Langit kung ano ang magagawa ko para makapaghandang magmisyon at matanggap ang Melchizedek Priesthood. Nadama ko na dapat akong magpunta sa templo nang mas madalas dahil ito ang bahay ng Panginoon at ito ang lugar kung saan ko madarama na napakalapit ko sa aking Ama sa Langit.
Kaya nagtakda ako ng mithiing gumawa ng 1,000 pagpapabinyag sa isang taon. Talagang nadama ko na kailangan kong itakda ang mithiing ito; nag-ayuno ako para malaman kung ito nga ang dapat kong gawin. Sinagot ako ng ating Ama sa Langit, at sinimulan kong magpunta sa Tampico Mexico Temple tuwing Sabado.
Matapos makagawa ng 500 pagpapabinyag, nagtakda ako ng mithiin na saliksikin ang family history ng aking mga ninuno, at lubha kong nagustuhang magsaliksik kaya hindi ako makatulog sa paghahanap ng mga pangalan. Nakakita ako ng 50 pangalan at walong henerasyon ng aking family history; tumulong akong gawin ang gawain sa templo para sa kanilang lahat.
Nakagawa ako ng mahigit 1,300 pagpapabinyag, at nagtapos ako sa seminary, tumanggap ng Melchizedek Priesthood, at naglilingkod na ngayon bilang full-time missionary, na isa sa aking pinakamalalaking mithiin sa buhay.