Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary
Pinipili Kong Punuin ang Buhay Ko ng mga Bagay na Nag-aanyaya sa Espiritu
Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.
Mababasa natin sa Biblia ang kamangha-manghang kuwento tungkol kina Sadrach, Mesach, at Abed-nego. Itinapon ni Haring Nabucodonosor ang tatlong magkakaibigang ito sa nagniningas na hurno dahil tumanggi silang sambahin ang imaheng ginto na kanyang nilikha. Sinabi ng tatlong Israelita sa hari na Diyos lamang ang sasambahin nila. Dahil tapat ang mga binatilyong ito, isinalba sila ng Diyos mula sa apoy at iniligtas ang kanilang buhay. (Tingnan sa Daniel 3.) Ang kuwentong ito ay tungkol sa pagtitiwala sa Diyos at sa pagiging tapat at matapang. Tungkol din ito sa mabuting magkakaibigan na tinutulungan ang isa’t isa na piliin ang tama.
Magkakasamang pinili nina Sadrach, Mesach, at Abed-nego na tuparin ang kanilang pangako na Diyos lamang ang kanilang sasambahin. Pinili nilang sumampalataya na ililigtas sila ng Diyos. Hindi nila piniling matakot sa hari, bagkus ay pinili nilang magtiwala sa Diyos. Sinabi ni Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Kailangan nating lahat ng mga tunay na kaibigang magmamahal, makikinig, magpapakita ng halimbawa, at [magpapatotoo sa] katotohanan” (“Tunay na Magkaibigan,” Liahona, Hulyo 2002, 32).
Alalahanin, ang mabubuting kaibigan ay gagawa ng kaibhan sa inyong buhay sa pamamagitan ng pagtulong sa inyo na piliin ang tama. Maghanap ng mga kaibigang katulad nina Sadrach, Mesach, at Abed-nego, at maging kaibigang gaya nila!