Natatanging Saksi
Ang Kababaihan ay Mahalaga sa Simbahan!
Mula sa “Ang mga Babaeng LDS ay Kahanga-hanga!” Liahona, Mayo 2011, 18–21.
Nagbahagi si Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol ng ilang pananaw tungkol sa paksang ito.
Ang kababaihan ay mga anak ng ating Ama sa Langit, na nagmamahal sa kanila.
Pinagtaglay ng Diyos ang kababaihan ng lakas, kabanalan, at pagmamahal.
Ang mga babae ay kapantay ng kanilang mga asawa. Nagtutulungan ang mga mag-asawa para matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya.
Ang kababaihan ng Simbahan ngayon ay matatag at tapat.
Karamihan sa naisagawa natin sa Simbahan ay dahil sa di-makasariling paglilingkod ng kababaihan.
Kahanga-hanga ang kababaihang Banal sa mga Huling Araw!