Pagtuturo ng Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mabuting Pananalita
Ang gamit nating mga salita ay makapagpapatotoo kay Cristo, makaaaliw sa mga nangangailangan, makapupuri sa isang kaibigan, o makapagpapakita ng pagmamahal sa miyembro ng pamilya. Tayo ay maaari ding makapagsalita nang nakasasakit sa damdamin, magtsismis, manlapastangan, o manghamak. Ang pagtulong sa inyong mga anak na gumamit ng mabuting pananalita ay maghahatid ng kapayapaan at panghihikayat sa inyong tahanan. Sa isyu sa buwang ito sa mga pahina 60–61, tinalakay ni Larry M. Gibson ng Young Men general presidency ang kahalagahan ng malinis na pananalita:
“Ang nadarama natin sa ating puso ay yaong nasa isipan natin, at yaong nasa isipan natin ang siyang nasasabi natin. Kaya nga, totoong ang mga salitang ginagamit natin ay nagpapakita ng nadarama natin sa ating puso at kung sino talaga tayo. …
“Matatamasa ng bawat isa sa atin ang mga pagpapala ng palaging pagsama sa atin ng Espiritu, tulad ng ipinangako kapag nakikibahagi tayo ng sacrament tuwing araw ng Sabbath. Ito ay depende sa atin—kung paano tayo kumikilos, kung ano ang ginagawa natin, at, oo, kahit ang sinasabi natin.”
Mga Mungkahi sa Pagtuturo sa mga Kabataan
-
Maaari ninyong basahin sa inyong pamilya ang bahaging tungkol sa pananalita na nasa Para sa Lakas ng mga Kabataan (mga pahina 20–21). Talakayin kung ano ang gagawin kapag masasamang salita ang sinasabi ng mga nasa paligid ninyo.
-
Basahin ang artikulo ni Brother Gibson sa mga pahina 60–61. Gamitin ang kanyang artikulo upang magtakda ng mga mithiin na tulungan ang isa’t isa na mabuting salita ang gamitin.
-
Pag-aralan at talakayin ang mga banal na kasulatang nakalista sa kanan.
-
Basahin ang “Piliing Huwag Magtsismis” sa pahina 59 ng isyung ito at pag-usapan ang mga panganib ng pagtitsismis. Talakayin kung bakit nangyayari ang tsismis at kung paano ito maiiwasan.
-
Manood ng mga video at magbasa ng mga artikulo para sa kabataan tungkol sa impluwensya ng pananalita. Magpunta sa youth.lds.org at i-klik ang “For the Strength of Youth” tab. Mag-klik sa “Language.” Nasa kanan ng pahina ang bahaging “Related” na nagtatampok ng mga video tulad ng “No Cussing Club” at mga artikulo para sa kabataan tungkol sa hindi panlalait sa iba.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo sa mga Bata
-
Isiping basahin ang “Ang mga Salitang Sinasambit Natin” (Rosemary M. Wixom, Liahona, Mayo 2013, 81); “Ang mga Salitang Iyon” (Liahona, Dis. 2011, 60); or “Ang Mahinahong Sagot” (Liahona, Hunyo 2011, 70). Pag-usapan kung ano ang pakiramdam natin kapag mabubuting bagay ang sinasabi natin sa isa’t isa.
-
Talakayin ang mga bagay na hindi ninyo sinasabi sa inyong tahanan. Magtakda ng mithiin na sabihin ang “please” at “salamat” at mas magbigay ng papuri.
-
Pag-usapan kung gaano kasaya ang lahat kapag mabubuting bagay ang sinasabi natin sa isa’t isa. Kantahin ang “Sa Akin Nagmumula ang Kabaitan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 83) o isa pang awitin tungkol sa kabaitan.