2022
Paano Tayo Napagpala ng Walang-Hanggang Pananaw ng Diyos?
Agosto 2022


“Paano Tayo Napagpala ng Walang-Hanggang Pananaw ng Diyos?,” Liahona, Ago. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Job 38; 40; 42

Paano Tayo Napagpala ng Walang-Hanggang Pananaw ng Diyos?

Job

Detalye mula sa Job, ni Léon Joseph Florentin Bonnat, Musee Bonnat, Bayonne, France / Bridgeman Images

Matapos mas maunawaan ang kapangyarihan ng Diyos, natanto ni Job na limitado ang kanyang pang-unawa. Sabi niya, “Kaya’t aking nasambit ang hindi ko nauunawaan” (Job 42:3). Tulad ni Job, maaaring hindi rin natin palaging nakikita ang nakikita ng Diyos para sa ating buhay. Ipinapakita ng apat na makabagong halimbawang ito kung paano nalalaman ng Panginoon ang mga pagsubok na kinakaharap natin at binibigyan tayo ng patnubay sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta. Kailan ninyo nakita na pinagpala ng pananaw ng Panginoon ang inyong sariling buhay?

1833

Word of Wisdom

manuskrito ng paghahayag na kilala bilang Word of Wisdom

Upang matulungan tayong maiwasan ang mga negatibong epekto ng droga, alak, at iba pang nakapipinsalang mga sangkap, inihayag ng Panginoon ang Word of Wisdom sa pamamagitan ni Joseph Smith noong 1833 (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89).

1995

Pagpapahayag tungkol sa Mag-anak

dokumento ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak

Batid ang makakaharap na paghihirap ng mga pamilya, binigyang-inspirasyon ng Panginoon ang mga buhay na propeta at apostol na ilathala ang pagpapahayag tungkol sa mag-anak noong 1995 (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” ChurchofJesusChrist.org). Ito ay isang pamantayan ng Simbahan para patatagin ang pamilya.

2019

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

pabalat ng manwal ng kurikulum

Ang programang nakasentro sa tahanan na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay available para sa lahat ng edad noong 2019, mga isang taon bago pansamantalang itinigil ang mga miting ng Simbahan dahil sa COVID-19.