2022
Ang Panginoon ay Aking Pastol
Agosto 2022


“Ang Panginoon ay Aking Pastol,” Liahona, Ago. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Awit 23

Ang Panginoon ay Aking Pastol

si Cristo na nag-aakay ng tupa

In His Keeping [Sa Kanyang Pangangalaga], ni Yongsung Kim, sa kagandahang-loob ng Havenlight

Upang matulungan tayong maunawaan ang Panginoon, tinatawag Siyang pastol sa Mga Awit 23. Sa kanyang mensahe sa pangkalahatang kumperensya na “Mga Tunay na Pastol,” inilarawan ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) ang isang pastol na minsan niyang nakita sa Germany: “Nakita ko ang isang pastol na may hawak na tungkod, na pinapastol ang mga tupa. Nakasunod sila sa kanya saanman siya magpunta. Kung kakaliwa siya, susundan nila siya sa kaliwa. Kung kakanan siya, susundan nila siya sa direksyong iyon.”1

Isiping basahin ang Mga Awit 23 para mahanap ang mga sagot sa mga tanong na ito:

  • Paano tayo ginagabayan ng Panginoon?

  • Paano tayo pinananatiling ligtas ng Panginoon?

  • Paano kayo napanatag ng Panginoon nang nadama ninyo na kayo ay nasa “libis ng lilim ng kamatayan”? (Mga Awit 23:4).

Bagama’t tila mahirap ang ating mga pagsubok, “tayo ay may kampeon, isang Tagapagligtas, na naglakad sa libis ng lilim ng kamatayan para sa atin.”2