“Ano ang Maituturo sa Atin ng Mga Awit 51 tungkol sa Pagsisisi?,” Liahona, Ago. 2022.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang Maituturo sa Atin ng Mga Awit 51 tungkol sa Pagsisisi?
Ano ang matututuhan natin tungkol sa pagsisisi sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga pagsamo ni David sa Mga Awit 51? Kinilala niya ang kanyang kasalanan (mga talata 3–4) at nanalangin para sa awa (talata 1), paglilinis (talata 2), at “matuwid na espiritu” (talata 10). Kinilala niya na mahalaga ang “bagbag at nagsisising puso” (talata 17). Nais niyang “[ituro] sa mga sumusuway ang mga lakad [ng Panginoon]” (talata 13).
Isaalang-alang ang mahahalagang aspetong ito ng pagsisisi:
-
Pananampalataya sa ating Ama sa Langit at kay Jesucristo
-
Kalungkutan dahil sa kasalanan
-
Pagtatapat
-
Pagtalikod sa kasalanan
-
Pagsasaayos muli
-
Matuwid na pamumuhay