2022
Tatlong Aral mula kay Job
Agosto 2022


“Tatlong Aral mula kay Job” Liahona, Ago. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Job

Tatlong Aral mula kay Job

Si Job na kumakain kasama ang kanyang pamilya

Mga larawang-guhit nina Bryan Beach at Rachel Howell

Sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang buhay, nanatiling halimbawa si Job ng pagtitiwala sa Diyos nang may pagtitiyaga, at iniligtas siya ng Panginoon mula sa mga pagsubok sa kanyang buhay. Tulad ng sabi ng mang-aawit, “Sa iyo ang aming mga magulang ay nagtiwala, sila’y nagtiwala, at iyong iniligtas sila” (Mga Awit 22:4). Ang pagtitiwala sa Diyos ay nagdulot kay Job ng kapanatagan mula sa pagdurusa at pagdadalisay para sa kanyang kaluluwa.

Mga Pagsubok kay Job

  • Mga hayop na ninakaw o pinatay

  • Mga tagapaglingkod na napatay

  • Mga anak na napatay

  • Napuno ng mga pigsa mula ulo hanggang paa

  • Hinikayat siya ng asawa niya na isumpa ang Panginoon

Bago ang mga Pagsubok

  • 7 anak na lalaki at 3 anak na babae

  • 7,000 tupa

  • 3,000 kamelyo

  • 500 baka

  • 500 asno

Pagkatapos ng mga Pagsubok

  • 7 anak na lalaki at 3 anak na babae

  • 14,000 tupa

  • 6,000 kamelyo

  • 1,000 baka

  • 1,000 asno