2022
Matutulungan Natin ang Iba na Magkaroon ng Kapayapaan sa Mahihirap na Panahon
Agosto 2022


“Matutulungan Natin ang Iba na Magkaroon ng Kapayapaan sa Mahihirap na Panahon,” Liahona, Ago. 2022.

Mga Alituntunin ng Ministering

Matutulungan Natin ang Iba na Magkaroon ng Kapayapaan sa Mahihirap na Panahon

Pinagsabihan ng Panginoon ang mga kaibigan ni Job, na humatol sa halip na maglingkod sa kanya.

Larawan
babae na tumatanggap ng basbas ng priesthood sa tahanan

Sa mga panahong tulad nito, ang pagkakaroon ng kapayapaan ng kalooban ay maaaring maging isang hamon. Karamihan sa atin ay dumaranas ng mga pagkakataon na nahihirapan tayong patuloy na madama ang payapang diwa. Makakatulong tayong suportahan at pagpalain ang buhay ng bawat isa nang may habag at pang-unawa.

Inaasahan ni Mary (binago ang mga pangalan) na magiging masaya at matagumpay ang pagsasama nilang mag-asawa. Iniwan niya ang kanyang dating buhay upang ituon ang kanyang sarili sa kanyang buhay kasama ang kanyang asawa. Ngunit pagkaraan ng ilang panahon, may ginawang mga pagpili ang lalaki na sumira sa kanilang pagsasama. Nakadama si Mary ng pagkataranta, na siya’y hindi handa, at hindi niya alam ang gagawin habang nahihirapan siyang magbagong-buhay para sa kanyang sarili at sa kanyang apat na anak. Alam niya na kailangan niyang hayaang manaig ang Diyos sa kanyang buhay at hayaan Siyang pagalingin siya, ngunit hindi ito madali.

Ang ministering brother at ministering sister ni Mary, ang mga Watson, ay buong pagmamahal na nagsisikap na mag-alok ng tulong at suporta sa kanya. Noong una, nagmatigas si Mary na hindi niya kailangan ng tulong. Ngunit ang mga Watson at iba pang mga miyembro ng kanyang ward ay patuloy na nagpakita ng pagmamahal at pakikipagkaibigan sa simple at natural na mga paraan: pag-upo sa tabi ng pamilya ni Mary sa mga pagtitipon, pagtulong sa trabaho sa bakuran, at paghahanap ng mga simple ngunit personal na paraan upang ipaalam kay Mary na iniisip nila siya at seryoso tungkol sa pagtulong. Pinasalamatan niya lalo na ang maraming basbas ng priesthood na ibinigay ni Brother Watson para kay Mary at sa kanyang mga anak, na naghahatid ng kapayapaan sa kanilang puso.

Alam ni Mary na ang mga Watson ang inatasang umalalay sa kanya, pero hindi niya nadama kailanman na ang paglilingkod at pakikipagkaibigan ay dahil sa obligasyon nila ito. Nadama niya ang kanilang katapatan at pagmamahal dahil tulad ng sa minamahal na kapatid ang pakikitungo nila sa kanya. Naging pamilya niya sila.

Hayaang Manaig ang Diyos

Larawan
mga taong nag-uusap-usap

Larawang kuha ni Jeremy Hall

Ang aklat ni Job sa Lumang Tipan ay nagkukuwento tungkol sa isang lalaking dumanas ng matitinding pagsubok at paghihirap. Tinanong siya ng kanyang asawa kung bakit hindi na lang siya sumuko (tingnan sa Job 2:9). Ang kanyang mga kaibigan, nanaglingkod noon sa kanya (tingnan sa Job 2:11–13), ay nanghusga sa kanya at sinikap na kumbinsihin siya na ang kanyang mga pagsubok ay kaparusahan sa kasalanang ginawa niya (tingnan sa Job 22). Ngunit determinado siyang hayaang manaig ang Diyos sa kanyang buhay (tingnan sa Job 13:15). Dahil sa kanyang katapatan, nakatanggap siya ng mga pagpapala nang higit pa kaysa dati, kabilang na ang pagpapalang makilala ang Diyos sa mas lubos na paraan (tingnan sa Job 42:1–5). Bilang mga ministering brother at ministering sister, ang ating pagmamahal at suporta ay makatutulong sa iba na bumaling sa Panginoon sa kanilang mga hamon at mapagaling (Doktrina at mga Tipan 112:13).

Bilang mga ministering brother at ministering sister, ang ating pagmamahal at suporta ay makatutulong sa iba na bumaling sa Panginoon sa kanilang mga hamon at mapagaling (Doktrina at mga Tipan 112:13).

Mga Alituntuning Dapat Pag-isipan

Habang sinisikap mong tulungan ang mga pinaglilingkuran mo na magkaroon ng kapayapaan, isipin ang sumusunod:

  • Ang ministering brother at ministering sister ni Mary ay tumulong nang may pagmamahal at iniwasan ang manghusga (tingnan sa Job 42:7; Moroni 7:45–48).

  • Ang ministering ay kadalasang pinakamainam na naisasagawa sa pamamagitan ng maliliit at simpleng gawain (tingnan sa Alma 37:6).

  • Kung ilalagay natin ang ating sarili sa kalagayan ng ating kaibigan at mananalangin upang malaman kung ano ang makatutulong nang husto, magagabayan ng Diyos ang ating mga kilos (tingnan sa Mateo 7:7–11).

  • Ang mga basbas ng priesthood ay hindi lamang makapagbibigay ng pisikal na paggaling kundi nagbibigay din ng kapayapaan at kapanatagan sa oras ng stress o paghihirap.

  • Tulad ni Job, kung mananatili tayong tapat sa ating mga pagsubok at hahayaang manaig ang Diyos sa ating buhay, sasang-ayon tayo sa Diyos at mapapayapa tayo (tingnan sa Job 22:21).

Ano ang Magagawa Natin?

Kung ang isang taong pinaglilingkuran mo ay nahaharap sa mga pagsubok at hamon, sikaping magpadama ng taos-pusong pagmamahal at suporta nang hindi sila hinuhusgahan sa hindi matwid na paraan na tulad ng ginawa ng mga kaibigan ni Job.

Print