Mga Naunang Edisyon
1: Manampalataya kay Jesucristo


1

Manampalataya kay Jesucristo

Pag-isipang Mabuti:Paano makakaapekto ang aking pananampalataya kay Jesucristo sa pagiging self-reliant ko?

“Exercise Faith in Jesus Christ [Manampalataya kay Jesucristo]” (makukuha sa srs.lds.org. Kung wala kang access sa video, basahin ang script sa kasunod na pahina.)

Talakayin:Ano ang maaari mong gawin para manampalataya ka kay Jesucristo na makakatulong sa iyo na mas maging self-reliant?

Basahin:Basahin ang Doktrina at mga Tipan 104:15 (sa kanan).

Praktis:Pumili ng isang pahayag sa ibaba at iyong basahin. Isipin kung paano mo magagamit ang banal na kasulatang iyan sa hangarin mong maging self-reliant. Ibahagi sa grupo ang iyong pananaw.

Mga Banal na Kasulatan tungkol sa Faith in Action

Dahil hindi titigil na manalangin si Daniel, siya ay itinapon sa yungib ng mga leon, ngunit ang, “Dios … [ay] nagsugo ng kaniyang anghel, at … itinikom ang mga bibig ng mga leon, … at walang anomang sugat na nasumpungan sa kaniya, sapagka’t siya’y tumiwala sa kaniyang Dios.” Daniel 6:22–23 (Tingnan din sa mga talata 16–21)

“Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya. … [Siya’y] naging anyong patay. … Datapuwa’t hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya’y ibinangon; at siya’y nagtindig.” Marcos 9:23, 26–27 (Tingnan din sa mga talata 17–22, 24–25)

“Magsumamo kayo para sa mga kawan ng inyong mga bukid upang sila ay dumami.” Alma 34:25

Ibinigay ng Panginoon kay Lehi ang Liahona para gabayan ang kanyang pamilya, at “kumilos ito para sa kanila alinsunod sa kanilang pananampalataya sa Diyos. … [Nang] sila ay naging mga tamad, at nakalimot na pairalin ang kanilang pananampalataya at pagiging masigasig … hindi sila sumulong sa kanilang paglalakbay.” Alma 37:40–41

“Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig … at subukin ninyo ako ngayon … kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.” Malakias 3:10

Noong panahon ng taggutom, hiniling ni Elijah sa balo na ibigay nito sa kanya ang huling pagkain nito. Ipinangako ni Elijah na dahil sa pananampalataya niya, maglalaan ang Panginoon ng pagkain sa kanya, at hindi ito mauubos. Tingnan sa I Mga Hari 17

“At … pinakain ka niya ng mana [sa loob ng 40 taon] … upang kaniyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.” Deuteronomio 8:3

Praktis:Sumulat ng dalawang partikular na paraan na makakapanampalataya ka kay Jesucristo:

Mangakong Gawin:Sa linggong ito, pag-isipang mabuti ang lahat ng mga pahayag at banal na kasulatan sa itaas, at mangakong gawin ang kasunod na mga gawain. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Nananampalataya kay Jesucristo araw-araw.

  • Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya.

MANAMPALATAYA KAY JESUCRISTO

Kung hindi mo mapapanood ang video, basahin na lamang ang script na ito.

Larawan
man in Bible-era clothing

ELDER BEDNAR: Ang pagkilos ay nagpapakita ng pananampalataya. Dala ng mga anak ni Israel ang kaban ng tipan. Dumating sila sa Ilog Jordan. Ang pangako ay tatawid sila sa tuyong lupa. Kailan nahawi ang tubig? Nang mabasa muna ang kanilang mga paa. Naglakad sila sa ilog--kumilos sila. Sumunod ang kapangyarihan--nahawi ang tubig.

Madalas nating sabihin, “Okey, uunawain ko nang husto ang kaalamang ito, at pagkatapos ay isasagawa ko iyan.” Sinasabi ko na sapat na ang alam natin para magsimula. Nasa tamang direksyon na tayo. Ang pananampalataya ay isang alituntunin---ang alituntunin---ng paggawa at ng kapangyarihan. Ang tunay na pananampalataya ay nakatuon sa Panginoong Jesucristo at palaging humahantong sa pagkilos at paggawa.

(David A. Bednar, “What Must I do?” [Leadership Pattern video, 2014]; David A. Bednar, “Seek Learning by Faith” [mensaheng ibinigay sa Church Educational System religious educators, Peb. 3, 2006], lds.org/media-library)

Print