Mga Naunang Edisyon
11: Maghangad na Matuto at Mag-aral


11

Maghangad na Matuto at Mag-aral

Pag-isipang Mabuti:Sinabi ng mga propeta na ang edukasyon ay susi sa magagandang oportunidad. Ano ang katibayan mo na totoo ito?

Panoorin:“Ang Kaluwalhatian ng Diyos ay Katalinuhan” (Walang video? Basahin sa kasunod na pahina.)

Talakayin:Bakit naniniwala si Alexander na mahalagang patuloy na mag-aral? Ano ang nadama ni Emelda tungkol sa edukasyon at pag-aaral nang mabuti? Paano nakatulong sa kanya ang PEF loan? Mabuting dahilan ba ito para mangutang?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 88:118–19; Handbook 2, 6.1.1 (sa kanan)

Praktis:Maaari tayong patuloy na mag-aral sa buong buhay natin. Sa kahon sa ibaba, isulat ang isang bagay na natutuhan mo kamakailan mula sa bawat sources na ito.

Mga Sources o Pinagmulan ng Kaalaman

Bagay na Natutuhan Ko Kamakailan mula sa mga Sources na Ito

Mga tao sa paligid ko, mga lider ko

Mga karanasan sa buhay

Mga aklat at media

Silid-aralan/mga guro

Mga banal na kasulatan, ang templo, ang Espiritu Santo

Talakayin:Paano ka patuloy na matututo at uunlad sa araw-araw?

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Humanap ng mga pagkakataong matuto, at isinulat ang iyong natutuhan.

  • Itinuro sa iyong pamilya ang tungkol sa iba’t ibang pinagmumulan ng pagkatuto. Pinag-isipan ang mga paraan para lalo pang magtamo ng kaalaman ang iyong pamilya—para sa matatanda at mga bata.

  • Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.

Ang Kaluwalhatian ng Diyos ay Katalinuhan

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, i-assign sa mga group member ang mga role mula sa script at ipabasa ito.

Alexander mula sa Peru

NARRATOR: Si Alexander ay mula sa Peru na ang buhay ay inilaan sa pag-aaral at pagtuturo. Heto ang sinabi niya:

ALEXANDER: Noong bata pa ako, sinabihan kami ni Itay na mag-aral at pahalagahan ang edukasyon.

Dalawang bagay ang magagawa natin para sumulong at umunlad sa buhay na ito. Una, maging tapat at magtiis hanggang wakas. Pangalawa, mag-aral at matuto.

Nalaman ko na ang edukasyon ay mahalaga para makamtan ang ating mga mithiin sa buhay.

Nagmisyon ako na kaunti lang ang nalalaman tungkol sa ebanghelyo pero may malaking hangarin na gawin ang tama at matuto.

Wala ako sa klase, pero naniniwala ako na ang pagmimisyon ko ang pinakamagandang panahon na natuto ako sa buhay.

Sinasamantala kong matuto saanman ako naroroon: Sa aking tahanan, sa trabaho, simbahan, unibersidad, o kahit sa bus. Palaging sinisikap kong matuto.

Ang templo ang pinakamahalagang lugar sa buhay ko at pinakamahusay na paaralan sa buong mundo.

NARRATOR: Si Emelda ay convert sa Church mula South Africa na natupad ang pangarap sa pamamagitan ng Perpetual Education Fund loan. Ibinahagi niya ang kanyang patotoo:

EMELDA: Ang pagiging top student ko ay hindi dahil sa aking sarili kundi dahil sa Simbahan! Alam ko na ang pagsapi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay makakatulong sa aking espirituwalidad, pero hindi ko naisip na mabibigyan ako nito ng pagkakataon na makapag-aral. …

Talagang nakatulong sa akin ang pag-aaral ng ebanghelyo. Dahil dito ay naunawaan ko na ako ang gagawa ng sarili kong tadhana. … Anuman ang kasalukuyang kalagayan natin at nadarama, hindi ako nagdududa na may mabubuting plano ang Ama sa Langit para sa atin.