Mga Naunang Edisyon
10: Magpakita ng Integridad


10

Magpakita ng Integridad

Pag-isipang Mabuti:Bakit kaya mahal ng Panginoon ang mga taong may “integridad”? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:15.)

Panoorin:“Anong Ibibigay ng Tao na Katumbas sa Kaniyang Buhay?” (Walang video? Basahin ang kasunod na pahina.)

Talakayin:Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng integridad? Paano ipinagpapalit ng mga tao ang kanilang kaluluwa para makuha lamang ang gusto nila sa buhay na ito?

Basahin:Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13; Mosias 4:28; Job 27:5 (sa kanan)

Praktis:I-rate ang iyong sarili sa sumusunod na mga aspeto.

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Nagpapakita ng integridad sa araw-araw.

  • Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya.

  • Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.

Tip para sa Facilitator

Tulungan ang lahat para magawa ito—hindi lamang sa salita.

Anong Ibibigay ng Tao na Katumbas sa Kaniyang Buhay?

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

Larawan
Elder Robert C. Gay

ELDER ROBERT C. GAY: Minsa’y itinanong ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo: “Anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?”

Ito ay tanong na itinuro sa akin ng aking ama na pag-isipan kong mabuti maraming taon na ang nakalilipas. Habang lumalaki ako, binigyan ako ng mga magulang ko ng mga gawaing-bahay at binigyan ako ng allowance para sa gawaing iyon. Madalas kong gamitin ang perang iyon, na mahigit 50 cents kada linggo, para manood ng sine. Ang halaga ng tiket sa sinehan noon ay 25 cents para sa isang batang 11-taong-gulang. May natitira pa akong 25 cents para ipambili ng kendi, na tig-5 cents ang isa. May sine na, may kendi pa! Ang sarap ng buhay ko noon.

Maayos ang lahat hanggang sa mag-12 anyos ako. Habang nakapila isang hapon, nalaman ko na ang halaga ng tiket para sa mga 12-anyos ay 35 cents, at ibig sabihin niyan ay nabawasan ng dalawa ang kendi. Dahil hindi ako handang isakripisyo iyon, ikinatwiran ko [sa sarili ko] na, “Tulad pa rin noong isang linggo ang hitsura mo.” Pagkatapos ay lumapit ako at humingi ng tiket na halagang 25 cents. Hindi nagduda ang kahera, at lima pa rin ang nabili kong kendi sa halip na tatlo.

Sa tuwa sa nagawa ko, nagmadali akong umuwi para ikuwento kay Itay ang malaking tagumpay ko. Habang ikinukuwento ko ang mga detalye, wala siyang imik. Pagkatapos ko, tumingin lang siya sa akin at sinabing, “Anak, ipagbibili mo ba ang kaluluwa mo sa halagang singko?” Tumimo ang sinabi niya sa batang puso ko. Hinding-hindi ko nalimutan ang aral na ito.

(Robert C. Gay, “Anong Ibibigay ng Tao na Katumbas sa Kaniyang Buhay?” Ensign o Liahona, Nob. 2012, 34.)

Print