Mga Naunang Edisyon
9: Magtiyaga


9

Magtiyaga

Pag-isipang Mabuti:Paano natin matututuhan na pagtiyagaan ang isang gawain hanggang sa matapos ito?

Panoorin:“Natatanging Stonecutter” (Walang video? Basahin ang kasunod na pahina.)

Talakayin:Paano natin matututuhan na magtiyaga kahit mahirap ang buhay? Paano nakakaapekto sa ating kakayahang magtiyaga ang pagtitiwala sa Panginoon?

Basahin:Pahayag ni Pangulong Faust; Sa Mga Hebreo 12:1; Doktrina at mga Tipan 58:4 (sa kanan)

Praktis:Magtulungan para matutuhan ang pattern na ito upang makapagtiyaga at makayanan ang mga problema:

  • Bilang grupo, basahin ang bawat step o hakbang sa pattern na nasa ibaba.

  • Kausapin ang isang tao sa grupo. Itanong sa isa’t isa kung may gagawin siyang tungkulin o gawain na napakahirap.

  • Tulungan ang isa’t isa na magawa ang apat na step o hakbang sa ibaba, pinag-uusapan ang mahihirap na tungkulin o gawain.

  • Mangako sa isa’t isa na magtitiyaga kayo—na hindi kayo titigil hangga’t hindi nagagawang mabuti ang tungkulin o gawain.

Magkaroon ng Mabuting Pag-uugali

Ilista ang iyong mga pagpapala.

Tandaan na Magtulungan

Magpatulong sa mga kaibigan, kasamahan, kagrupo, at sa iba pa.

Palitan ng Pananampalataya ang Takot

Iwasan ang pag-aalinlangan. Tandaan na taglay ng Panginoon ang lahat ng kapangyarihan. Manalangin sa Kanya at tanggapin ang Kanyang kalooban.

Sumulong nang may Pagtitiyaga at Tapang

Huwag na huwag susuko kailanman; magtiis nang may pananampalataya.

Praktis:Pumili ng isang problema na kinakaharap ng iyong pamilya. Gamitin ang pattern sa itaas at tukuyin ang dalawa o tatlong paraan na magagawa mo nang may pananampalataya, nagtitiwala na maglalaan ang Diyos:

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Nagtitiyaga ayon sa paraang tinukoy mo sa itaas.

  • Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya.

  • Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.

Natatanging Stonecutter

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

itinatayong Salt Lake Temple

ELDER HOLLAND: Si John R. Moyle ay isang pioneer mula sa England na naglakbay papuntang Estados Unidos na hila ang isang handcart. Tumira siya sa Alpine, Utah, mga 22 milya (35 kilometro) mula sa Salt Lake Temple.

Tinawag ni Brigham Young si Brother Moyle para maging chief superintendent ng masonerya (masonry) noong itinatayo ang Salt Lake Temple.

Para makatiyak na lagi siyang nasa trabaho bago mag-alas 8:00 n.u. kada Lunes, sisimulang lakarin ni Brother Moyle ang 22 milya nang mga alas-2:00 n.u. Magtatapos siya sa kanyang trabaho nang alas-5:00 n.h. ng Biyernes at maglalakad pauwi at darating bago maghating-gabi. Kada linggo ganoon ang iskedyul niya sa halos 20 taon sa panahong itinatayo ang templo.

Nang minsang nasa bahay siya, isa sa kanyang mga baka ang nagwala habang ginagatasan at sinipa si Brother Moyle sa binti, nabali ang buto sa ibaba ng kanyang tuhod.

Wala silang makabagong gamit sa paggamot, kaya ang kanyang pamilya at mga kaibigan ay tinanggal ang pinto at inihiga at itinali siya sa pintong iyon na ginawang operating table. Pagkatapos ay kumuha sila ng bucksaw na ginagamit nila sa pagputol ng mga sanga sa kalapit na kakahuyan at pinutol ang kanyang binti ilang pulgada lamang sa ibaba ng tuhod.

Nang gumagaling na ang kanyang binti, kumuha si Brother Moyle ng isang pirasong kahoy at gumawa ng artipisyal na binti. Sa bahay muna siya naglakad-lakad. Pagkatapos ay sa bakuran. Sa huli ay nangahas siyang lumabas.

Nang madama niya na kaya niyang tiisin ang sakit, isinuot niya ang wooden leg, nilakad ang 22 milya patungo sa Salt Lake Temple, inakyat ang scaffolding, at hawak ang chisel o pait ay inukit at nililok ang mga salitang “Holiness to the Lord [Kabanalan sa Panginoon].”

(Tingnan din sa Jeffrey R. Holland, “As Doves to Our Windows,” Ensign, Mayo 2000, 76–77.)