Mga Naunang Edisyon
5: Trabaho: Maging Responsable


5

Trabaho: Maging Responsable

Pag-isipang Mabuti:Sa palagay mo, bakit nais ng Ama sa Langit na maging responsable tayo sa ating buhay?

Panoorin:“Ang Paglalakbay ni Sedrick ” (Walang video? Basahin ang kasunod na pahina.)

Talakayin:Paano ginamit ni Sedrick ang kanyang agency at naging responsable sa kanyang kinabukasan? Ano kaya ang nangyari kay Sedrick kung sinisi niya ang iba sa mga paghihirap niya?

Basahin:2 Nephi 2:16, 26; Doktrina at mga Tipan 42:42 (sa kanan)

Praktis:Humarap sa isang kagrupo na malapit sa iyo. Magkasamang basahin ang pahayag ni Propetang Joseph Smith na nasa ibaba. Inilarawan niya ang kalagayan niya sa buhay habang siya ay lumalaki. Talakayin ang mga tanong na ito:

  • Ano ang kalagayan niya sa buhay?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa self-reliance mula sa mga salita ng Propeta?

  • Ano ang ibig sabihin ng Propeta sa “patuloy na paggawa”?

Praktis:Isipin kung paano ka magiging lalong responsable para sa iyong self-reliance. Sumulat ng dalawa o tatlong bagay na babaguhin mo sa iyong kilos o pag-uugali.

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Ginagawa ang responsibilidad araw-araw.

  • Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya.

  • Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.

Ang Paglalakbay ni Sedrick

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

lalaki na may mga saging na nakakarga sa bisikleta

SEDRICK: Ako si Sedrick Kambesabwe. Nakatira ako sa Democratic Republic of the Congo. Miyembro ako ng LDS Church.

Branch missionary ako sa nayon ng Kipusanga. Kailangan kong maghanda sa pagmimisyon sa ibang bansa. Para makapagmisyon, kailangan ko ng passport, na ang halaga ay 250 US dollars.

Para kumita, bumibili kami ng tatay ko ng mga saging. Maraming inaaning saging ang ilang nayon: Tishabobo, Lusuku, at Kamanda.

Ang Tishabobo ay mga 9 na milya ang layo mula rito. Ang Lusuku ay 18 milya. Gayon din ang Kamanda. Pumupunta kami roon at bumibili ng mga saging, at ibinibenta rito sa amin.

Para makapunta sa mga nayon, nagbibisikleta kami. Ang kaya naming dalhin ay apat o anim na buwig ng saging.

Kapag nakabisikleta ako, isa’t kalahating oras bawat pagpunta at pagbalik, kung hindi sira ang bisikleta at may lakas pa ako. Kapag katanghaliang tapat, mabagal ang pagbisikleta ko dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Dalawang biyahe ang magagawa ko kada araw kung madaling-araw ako gigising. Magandang paraan ito para mabayaran ang aking passport.

Ngayon kumikita na ako ng pera, paunti-unti, kaya nag-iimpok ako para sa pag-aaral at misyon ko. At ngayon, makalipas ang apat na taong pagtatrabaho, may pambayad na ako para sa aking passport at 70 dollars na ipon.