Mga Naunang Edisyon
12: Manatiling Nakapokus, Tumanggap ng mga Ordinance


12

Manatiling Nakapokus, Tumanggap ng mga Ordinance

Pag-isipang Mabuti:Ano ang nakahahadlang sa atin na gawin ang mga bagay na pinakamahalaga?

Panoorin:“Ginagawa ang Pinakamahalaga” (Walang video? Basahin ang kasunod na pahina.)

Talakayin:Ano ang ilang bagay na hindi mahalaga na pinag-aaksayahan ng panahon ng mga tao? Inutos ng Panginoon kay Joseph Smith na magtayo ng mga templo kahit naghihirap ang mga miyembro ng Simbahan. Bakit?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 84:20; 136:4; 1 Nephi 18:2–3 (sa kanan)

Basahin:“The Law of Soil Management” (sa kasunod na pahina)

Talakayin:Ano ang ipinahayag ng Panginoon kay Elder Widtsoe sa templo? Ano ang ipinahayag ng Panginoon kay Nephi sa bundok?

Sa hangarin nating maging self-reliant, bakit mahalagang maging karapat-dapat sa templo?

Kasama ang partner, basahin ang banal na kasulatan sa ibaba. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng sa pamamagitan ng pagsamba sa templo ay handa tayong matamo ang bawat kinakailangan natin sa buhay? Talakayin ang ibig sabihin nito sa iyong buhay at sa iyong mithiing maging self-reliant.

mag-asawa sa harap ng Laie Hawaii Temple

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Ginagawang karapat-dapat ang sarili sa templo araw-araw.

  • Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya. Itinuro sa kanila kung paano makakatulong ang pagpunta sa templo sa pagtatagumpay nila sa espirituwal at temporal, at tinalakay sa kanila ang dapat mong gawin para matanggap ang kapangyarihan ng Panginoon na matatagpuan sa mga ordenansa sa templo.

  • Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.

Ginagawa ang Pinakamahalaga

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

NARRATOR: Isang madilim na gabi ng Disyembre, isang eroplano ang bumagsak sa Florida. Mahigit 100 katao ang namatay. Mga 20 milya lamang ang layo para makalapag nang ligtas.

PANGULONG UCHTDORF: Pagkatapos ng aksidente, sinikap ng mga imbestigador na alamin ang dahilan. Ang landing gear ay nakababa nang wasto. Nasa kondisyon ang makina ng eroplano. Lahat ay umaandar nang maayos—lahat maliban sa isang bagay: isang pundidong bombilya. Ang munting bombilyang iyon—na mga 20 cents ang halaga—ang pinagmulan ng magkakarugtong na pangyayari na nauwi sa malagim na kamatayan ng mahigit 100 katao.

Siyempre, hindi ang pundidong bombilya ang sanhi ng aksidente; nangyari ito dahil ang mga crew ay nagtuon ng pansin sa isang bagay na tila mahalaga nang sandaling iyon at nalimutan ang bagay na pinakamahalaga.

Ang ugaling magtuon ng pansin sa di mahalaga at pabayaan ang pinakamahahalagang bagay ay nangyayari hindi lamang sa mga piloto kundi sa lahat. Lahat tayo ay nasa panganib. … Nakatuon ba ang isip at puso ninyo sa mga bagay na panandalian at mahalaga lamang sa sandaling iyon, o sa mga bagay na pinakamahalaga?

(Dieter F. Uchtdorf, “Kami’y Gumagawa ng Dakilang Gawain, na Anopa’t Hindi Kami Makababa,” Ensign at Liahona, Mayo 2009, 59-60)

The Law of Soil Management [Ang Batas ng Pangangalaga sa Lupa]

ELDER WIDTSOE: Sa loob ng ilang taon, sa perang ibinigay ng gobyerno sa amin ng mga kasamahan ko sa trabaho, nakakalap kami ng maraming datos tungkol sa soil moisture; ngunit hindi ako makabuo ng anumang general principle na tumutukoy sa lahat ng datos. Sumuko ako sa paggawa nito.

Nagpunta kaming mag-asawa sa templo nang araw na iyon para malimutan ang kabiguang iyon. Sa pangatlong endowment room, mula sa di-nakikitang tulong, dumating ang solusyon, na matagal nang panahong nailathala. …

Iyan ang biyaya sa mga yaong karapat-dapat na pumupunta sa templo, dahil ito ang lugar kung saan makakaasa kayo ng mga paghahayag. Pinatototohanan ko na ito ay totoo.

(Sa Alan K. Parrish, Modern Temple Worship, 156–57)