Sa iyong sarili, tahimik na isipin ang mga talento, contact o kakilala, o iba pang mga resources mo. Paano mo matutulungan ang iba pang mga group member na lalo pang maging self-reliant? Isulat ang iyong mga ideya:
Bilang grupo, ibahagi sa isa’t isa ang mga talento, contact o kakilala, o iba pang mga resources na inilista mo. Isulat ang mga contact o kakilala o resources na mayroon ang iba na makakatulong sa iyo.
Ngayon ilista sa ibaba ang mga resources ng self-reliance center ng Simbahan, pati ang mga mentor, computer, at iba pa. Bakit mo kailangan ang mga ito?
Ano ang mga resources mo na makakatulong sa iyo at sa iba na maging self-reliant?
Paano mo matutulungan ang iba na maging self-reliant?
Paano mo magagamit ang tulong mula sa iba para maging self-reliant ka?
Basahin:Para magkaisa, maaari mong gawin ang sumusunod:
Tulungan ang iyong pamilya na lalo pang magkaisa at magtulungan.
Makipag-usap sa mga miyembro na self-reliant sa iyong ward. Tanungin kung sinong mga tao o anong mga resources ang nakatulong sa kanila. Itanong kung gugustuhin nilang turuan ka!
Magpunta sa tatlong lugar sa iyong komunidad na may mga resources na tutulong sa iyo na lalong maging self-reliant. Isulat ang mga serbisyo o services na maibibigay nila. Simulang gamitin ang mga ito!
Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:
Nakipagtulungan sa iba (nakipagtulungan sa iyong pamilya, mga miyembro ng ward, at komunidad gaya ng nakalista sa itaas).
Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya.
Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.