Pag-isipang Mabuti:Naranasan mo na ba na sinagot ng Ama sa Langit ang iyong mga panalangin tungkol sa trabaho, negosyo, o pag-aaral mo?
Panoorin:“Paglikha ng Pag-angat” (Walang video? Basahin ang kasunod na pahina.)
Talakayin:Ano ang sinabi ni Pangulong Uchtdorf tungkol sa kakayahan nating iangat ang ating sarili mula sa alalahanin ng mundo? May mga pagkakataon ba na hindi natin nahihiwatigan ang mga sagot sa ating mga panalangin? Ang pakikinig ba ay mahalagang bahagi ng panalangin?
Talakayin:Bilang grupo, talakayin ang mga tanong na ito: Bakit mahalagang skill ang pakikinig? Paano makakatulong ang pakikinig nang mabuti sa ating trabaho?
Praktis:Gawin ang aktibidad na ito para mas mapagbuti pa ang iyong skill sa pakikinig:
Bilang grupo, basahin ang mga step o hakbang sa ibaba at talakayin nang maikli ang mga ito.
Hilingin sa isa o dalawang kagrupo na sabihin sa iba ang tungkol sa problema o tanong na mayroon sila. Lahat ay kailangang makinig mabuti, na sinusunod ang mga step o hakbang na ito.
Tanungin ang mga kagrupo na nagsalita kung ano ang nadama nila nang makinig mabuti ang grupo.
Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:
Ginawa ang mga step o hakbang sa pakikinig nang mabuti sa iyong pamilya:
Nagpakuwento sa kapamilya tungkol sa problema o tanong na mayroon siya.
Ginawa ang mga step o hakbang sa pakikinig habang nakikinig ka sa problemang ito.
Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya.
Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.