Mga Naunang Edisyon
6: Lutasin ang mga Problema


6

Lutasin ang mga Problema

Pag-isipang Mabuti:Sa palagay mo, bakit tinutulutan ng Ama sa Langit na magkaroon tayo ng mga problema at pagsubok?

Panoorin:“Lutasin ang mga Problema at Magpasiya” (Walang video? Basahin ang kasunod na pahina.)

Talakayin:Ano ang ginawa ni Sheep para matulungan si Pig na malutas ang problema nito? (Isipin kung paano siya tinulungan ni Sheep na matukoy ang tunay na problema, pag-aralan ang kanyang mga opsyon, at pagkatapos ay magpasiya at kumilos.)

Basahin:Eter 2 at 3 (basahin lamang ang excerpt sa kanan)

Talakayin:Ano ang ginawa ng kapatid ni Jared para malutas ang kanyang problema?

Praktis:Nasa ibaba ang tatlong step o hakbang na magagamit mo sa paglutas ng lahat ng klase ng problema nang may panalangin at pananampalataya. Basahin at talakayin ang mga ito sa group member. Kailangang matukoy ng bawat isa sa inyo ang problemang nararanasan ninyo at gawin ang mga step o hakbang.

triangle diagram

Lutasin ang mga Problema

Alamin

Ano ang tunay na problema?

Pag-aralan ang mga Opsyon

Ano ang maaaring solusyon?

Alin ang pinakamagandang solusyon?

Magpasiya at Kumilos

Manalangin na mapatnubayan. Magpasiya. Pagkatapos ay kumilos nang may pananampalataya. Maganda ba ang mga resulta? Kung hindi, gawin muli ang step o hakbang 1–3.

Huwag sumuko!

Praktis:Pumili ng isang problema na kinakaharap ninyo bilang pamilya at isulat dito:

Sa linggong ito, lutasin ang problemang ito kasama ang iyong pamilya. Tandaan, huwag kang susuko! Mahaba ring panahon ang kailangan para malutas ang mga problema at gumawa ng pagbabago.

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Ginagawa ang mga step o hakbang para malutas ang problemang isinulat mo sa itaas.

  • Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya.

  • Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.

Tip para sa Facilitator

Dagdagan ang sigla sa talakayan. Isali ang lahat.

Lutasin ang mga Problema at Magpasiya

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, i-assign sa mga group member ang mga role mula sa script at ipabasa ito.

baboy at tupa

PIG: “Gutom na gutom na ako!” Umalis ang magsasaka. Tamad ang anak niya at hindi ako pinakain! Ano ang gagawin ko?

SHEEP: Pig? Pig! Ano ang problema?

PIG: Problema? Problema? Nakikita mo na, di ba? Gutom na gutom na ako!

SHEEP: Hmmm. Hindi mo problema ‘yan.

PIG: Ha? Ano ang ibig mong sabihin? Gutom na ako! At ang tamad na batang iyon ay hindi ginawa ang kanyang trabaho.

SHEEP: Tama, pero problema niya ‘yun. Ang problema mo ay, Saan ka maghahanap ng pagkain?

PIG: Ako? Maghahanap ng pagkain?

SHEEP: Tama. Ano ang mga opsyon mo?

PIG: Pwedeng dito lang ako at maghintay!

SHEEP: Isang opsyon ‘yan. Anong mangyayari dyan?

PIG: Oo nga. … Humph. … Kung aalis ako, baka makakita ako ng pagkain sa basurahan.

SHEEP: Isa pang opsyon ‘yan. Napansin ko na iniwang bukas ng bata ang iyong kulungan.

PIG: Oo, pero hindi ako pwedeng basta umalis na lang. At baka wala namang pagkain sa labas.

SHEEP: Siguro kailangan mong magpasiya at kumilos—diyan ka lang o lumabas ka.

PIG: Okey. Problema ko ito, di ba?

SHEEP: Oo.

PIG: At ang basurahan ang pinakamagandang opsyon ko.

SHEEP: Kung sa palagay mo.

PIG: Kaya dapat akong magpasiya at kumilos.

SHEEP: Parang ganyan na nga.

PIG: Sige na nga. … Okey. … Sige, … alis na ako. [Kumakain na.] Hoy, Sheep, masarap ito.

SHEEP: Ang galing mo, Pig!