Mga Naunang Edisyon
Pagsisimula


Pagsisimula

Pag-isipang Mabuti:Bakit nais ng Ama sa Langit na maging self-reliant ako? Kapag tayo ay naging self-reliant, paano tayo nagiging katulad Niya?

Basahin:Kasama ang grupo, basahin ang liham mula sa Unang Panguluhan (sa pahina 2) at ang pahayag ni Pangulong Monson (sa kanan).

Talakayin:Ano ang mga pangako sa mensaheng ito? Ano ang inyong tungkulin?

Basahin:Basahin ang Doktrina at mga Tipan 29:34 (sa kanan).

Talakayin:Ano ang natutuhan mo sa Doktrina at mga Tipan 29:34 tungkol sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng trabaho, o pagsisimula ng negosyo? Bakit napakahalaga na maintindihan ang katotohanang ito?

Basahin:Ang My Foundation ay mahalagang bahagi sa mga miting ng self-reliance group. Ang mga group member na dumadalo sa mga miting at tumutupad sa kanilang mga pangako ay tatanggap ng sertipiko mula sa LDS Business College. Ilipat sa pahina 29 para marepaso ang mga requirement para makatanggap ng sertipiko.

Sa alituntunin 12 ng My Foundation, pag-uusapan natin ang kahalagahan ng mga ordenansa sa templo dahil may kaugnayan ang mga ito sa self-reliance. Mapapalakas natin ang lahat ng aspeto ng ating buhay kapag tinupad natin ang ating mga tipan at tumulong na mapagpala ang ating mga ninuno.

Tip para sa Facilitator

Magtiwala sa mga materyal.

Sundin ang outline.

Gamitin nang mahusay ang oras.

Print