4
Pangasiwaan ang Pera
-
Pag-isipang Mabuti:Bakit napakahirap mangasiwa ng pera—at bakit napakahalaga nito?
-
Panoorin:“Unahin ang Mahalaga!” (Walang video? Basahin ang kasunod na pahina.)
-
Talakayin:Ano ang natutuhan ninyo mula sa mga batang ito? Bakit kailangan nating maingat na irekord ang ating pera? Bakit kailangan nating mag-impok ng pera?
-
Basahin:Pahayag mula sa All Is Safely Gathered In; Doktrina at mga Tipan 104:78 (sa kanan)
-
Praktis:Narito ang apat na hakbang na magagawa mo para mapangasiwaan mo ang iyong pera upang lalo mo pang mapaglingkuran ang iba. Basahin ang mga hakbang na ito. Bilang grupo, pag-usapan kung paano ninyo makakagawian itong gawin.
❶
Magtrabaho nang Mabuti at Matalino
Ipakita sa iyong employer na nagtatrabaho ka nang mabuti araw-araw. Ipakita na kapaki-pakinabang ka. Maging matapat.
❷
Magbayad ng mga Ikapu at mga Handog
Kapag kumita ka na, unahing magbayad ng ikapu. At pagpapalain ka ng Diyos.
❸
Gumasta nang Mas Kaunti sa Kinikita Mo
Magtakda ng badyet. Irekord ang kita at gastos mo. Umiwas sa pangungutang. Dagdagan ang kita. Gumasta nang mas kaunti sa kinikita mo.
❹
Dagdagan ang Impok Araw-Araw
Mag-impok ng pera araw-araw para magkaroon ng kapanatagan at katiyakan.
-
Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:
-
Pinangasiwaan ang iyong pera araw-araw.
-
Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya.
-
Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.
-
Tip para sa Facilitator
Ipabahagi sa isang tao kung paano napagpala ng mga alituntuning ito ang kanyang pamilya.
Unahin ang Mahalaga!
Kung hindi ninyo mapapanood ang video, i-assign sa mga group member ang mga role mula sa script at ipabasa ito.
TAGPO: Batang lalaki at batang babae, na nakasuot ng damit na pang-matanda, ginagaya ang kanilang mga magulang.
BATANG LALAKI: Narito na ako, mahal.
BATANG BABAE: Welcome home. Naku, mukhang pagod ka.
BATANG LALAKI: Ikaw rin. Ang dami mong ginawang trabaho, noh?
BATANG BABAE: Kailangan nating magtrabaho, di ba?
BATANG LALAKI: Kumita ako ng 10 ngayon.
BATANG BABAE: Naku, blessing ‘yan. Unahin muna natin ang mahalaga. Magbayad tayo ng ating ikapu.
BATANG LALAKI: Pero paano kung hindi sumapat ang pera natin?
BATANG BABAE: Diyan papasok ang pananampalataya!
BATANG LALAKI: Okey. Pagkatapos?
BATANG BABAE: Bumili tayo ng pagkain, magtabi ng pamasahe, at bayaran ang upa sa bahay. At pagkatapos, magandang bumili ng isang upuan. …
BATANG LALAKI: Pero hindi pwede. Hindi na sapat ang pera natin.
BATANG BABAE: Pwede ba tayong umutang?
BATANG LALAKI: Sabi nila delikadong mangutang. Huwag tayong pumasok sa problema.
BATANG BABAE: Okey. Tama ka. Eh, ano ang gagawin natin dito?
BATANG LALAKI: Iimpok natin! Baka may mangyaring emergency.
BATANG BABAE: Tama nga. Pero wala na tayong pang-pasyal.
BATANG LALAKI: Magkasama naman tayo! At dadagdagan ko pa ang kita ko.
BATANG BABAE: Hindi ako gaanong gagastos!
BATANG LALAKI: Sa ganyang paraan magiging masaya tayo—at self-reliant!
BATANG BABAE: Tama! Hindi naman pala mahirap. Bakit pinapahirap pa ng matatanda?
BATANG LALAKI: Alam mo na. Ganoon talaga sila!