Mga Naunang Edisyon
3: Maging Masunurin


3

Maging Masunurin

Pag-isipang Mabuti:Anong mga batas ang dapat kong sundin para lalo pang maging self-reliant?

Panoorin:“Ang Pagsunod ay Nagdudulot ng mga Pagpapala” (Walang video? Basahin ang kasunod na pahina.)

Talakayin:Ang pagsunod sa mga batas at alituntunin ng Diyos ay nagdudulot ng mga pagpapalang espirituwal at temporal. Ano ang mga karanasan ninyo na nagpapatunay na totoo ito?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 130:20–21; pahayag ni Joseph Smith (sa kanan)

Praktis:Tingnan ang table sa ibaba. Pansinin kung paanong ang pagsunod sa partikular na mga batas ay nagdudulot ng mga partikular na pagpapala. Ibinigay ang ilang halimbawa.

Ngayon, sa loob ng ilang minuto:

  1. Isulat ang mga partikular na pagpapala na nais mong makamtan sa paghahanap mo ng trabaho, self-employment, o edukasyon. Gamitin ang column sa kanan.

  2. Gamitin ang column sa kaliwa sa pagsulat ng mga batas na masusunod mo para matanggap ang mga pagpapalang iyon.

Sumunod

Para Matanggap

Mga batas o alituntunin

Mga pagpapala

Ang Word of Wisdom (D at T 89)

Mas mabuting kalusugan, malaking kaalaman

Mga ikapu at mga handog (Malakias 3:10–12)

Mga temporal at espirituwal na pagpapala, tagumpay sa trabaho, proteksyon

Pagpasok sa trabaho sa takdang oras araw-araw

Hindi matatanggal sa trabaho at makakapag-impok ng pera.

Pagkain ng masustansya at regular na pag-eehersisyo

Hindi ka aabsent sa trabaho dahil sa sakit

Praktis:Sumulat ng dalawa o tatlong paraan na mapag-iibayo mo ang iyong pagsunod sa mga batas na pinili mo:

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang mga kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Naging masunurin araw-araw.

  • Itinuro ang alituntuning ito sa iyong pamilya.

  • Patuloy na ginagawa ang naunang mga foundation principle o saligang alituntunin.

Tip para sa Facilitator

Hikayatin ang lahat na gumawa at tumupad ng mga pangako at turuan ang kanilang pamilya.

Ang Pagsunod ay Nagdudulot ng mga Pagpapala

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

Larawan
Pangulong Thomas S. Monson

Napakagandang pangako nito! “Siya na sumusunod sa mga kautusan ay tumatanggap ng katotohanan at liwanag, hanggang sa siya ay maluwalhati sa katotohanan at malaman ang lahat ng bagay.” [D at T 93:28]. …

Mga kapatid, ang pinakamalaking pagsubok sa buhay na ito ay ang pagsunod. “Susubukin natin sila,” sabi ng Panginoon, “upang makita kung kanilang gagawin ang lahat ng bagay anuman ang iutos sa kanila ng Panginoon nilang Diyos” [Abraham 3:25].

Sinabi ng Tagapagligtas, “Sapagkat lahat ng magkakaroon ng pagpapala sa aking mga kamay ay susunod sa batas na itinakda para sa pagpapalang yaon, at ang mga batayan nito, gaya ng pinasimulan bago pa ang pagkakatatag ng daigdig.” [D at T 132:5].

Wala nang mas dakila pang halimbawa ng pagsunod kaysa yaong ipinakita ng ating Tagapagligtas. Sinabi ni Pablo tungkol sa Kanya:

“Bagama’t siya’y Anak, gayon ma’y natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;

“At nang siya’y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya” [Sa Mga Hebreo 5:8–9].

Ang Tagapagligtas ay nagpakita ng dalisay na pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng sakdal na pamumuhay, ng pagsasakatuparan ng Kanyang sagradong misyon. Hindi Siya kailanman nagmataas. Hindi Siya kailanman naging palalo. Nanatili Siyang matapat. Siya ay laging mapagpakumbaba. Siya ay laging tapat. Siya ay masunurin sa tuwina. …

Nang maharap sa matinding paghihirap sa Getsemani, kung saan dumanas Siya ng matinding sakit kung kaya’t “ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” [Lucas 22:44], ipinakita Niya ang pagiging masunuring Anak sa pagsasabing, “Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo” [Lucas 22:42].

Katulad ng tagubilin ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol noon, Kanya rin tayong tinatagubilinan, “Sumunod ka sa akin” [Juan 21:22]. Handa ba tayong sumunod?

Ang kaalamang hinahanap natin, ang sagot na hinahangad natin, at ang lakas na ninanais natin ngayon para maharap ang mga hamon ng magulo at pabagu-bagong mundong ito ay maaaring mapasaatin kapag handa tayong sundin ang mga utos ng Panginoon. Babanggitin ko muli ang mga salita ng Panginoon: “Siya na sumusunod sa mga kautusan [ng Diyos] ay tumatanggap ng katotohanan at liwanag, hanggang sa siya ay maluwalhati sa katotohanan at malaman ang lahat ng bagay” [D at T 93:28].

Mapagkumbaba kong idinadalangin na nawa ay pagpalain tayo nang sagana na ipinangako sa mga masunurin. Sa pangalan ni Jesucristo, na ating Panginoon at Tagapagligtas, amen.

(Thomas S. Monson, “Ang Pagsunod ay Nagdudulot ng mga Pagpapala,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 89, 92)

Print