Mga Kabataan
Buod para sa mga Magulang at Lider


Buod para sa mga Magulang at Lider

Layunin ng Pansariling Pag-unlad

Ang Pansariling Pag-unlad ng Young Women ay isang programa ng tagumpay na nilayon upang tulungan ang mga kabataang babae na:

  • Palakasin ang kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo.

  • Patatagin ang kanilang pamilya sa kasalukuyan at magiging pamilya sa hinaharap.

  • Maghandang maging marapat na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan sa templo.

  • Maghanda para sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa hinaharap.

Nagpapatulong ang mga kabataang babae sa kanilang mga magulang, lider ng Young Women, at iba pang mga ulirang babae na magtakda at magsagawa ng mga mithiin batay sa walong pinahahalagahan ng Young Women. Ang Pansariling Pag-unlad ay makakatulong sa mga magulang at lider na mapaganda ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kabataang babae habang sama-sama silang nagsisikap.

Mga Responsibilidad ng mga Magulang at Lider ng Young Women

Ipaalam ang Programa

Kinakausap ng mga lider ng Young Women ang bawat kabataang babaeng pumapasok sa programang Young Women at ang mga magulang nito. Maaari ding dumalo ang isang miyembro ng class presidency ng kabataang babae. Binibigyan ng mga lider ang kabataang babae ng isang aklat ng Pansariling Pag-unlad ng Young Women , isang journal ng Pansariling Pag-unlad, at pendant na sulo ng Young Women. Ipinaliliwanag nila ang programa sa kanya at hinihikayat ang mga magulang na tulungan ang kanilang anak sa pagpili at pagkumpleto ng mga karanasan at proyekto sa Pansariling Pag-unlad. Dapat ding anyayahan ng mga lider ang mga magulang sa lahat ng espesyal na kaganapang nilalahukan ng kanilang anak.

Tiyaking Sapat ang Suporta

Kailangan ng isang kabataang babae ang suporta at regular na panghihikayat sa pagkumpleto ng Pansariling Pag-unlad. Maaari itong manggaling sa mga magulang, lider, iba pang mga adult, at nakatatandang mga kabataang babae na nakatapos na ng Pansariling Pag-unlad. Kung hindi gaanong natutulungan ang kabataang babae sa bahay sa pagkumpleto ng Pansariling Pag-unlad, maaaring anyayahan ang isa pang miyembrong babae na turuan at tulungan siya, matapos sumangguni sa mga lider ng priesthood. Maaaring sang-ayunan ng miyembrong babaeng adult na ito ang mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan at lagdaan ang aklat ng Pansariling Pag-unlad ng kabataang babae kapag nakumpleto na ang mga ito. Maaari ding anyayahang tumulong at maghikayat ang isa pang kabataang babae na nakatapos na ng Pansariling Pag-unlad.

Itala at Kilalanin ang Pag-unlad

Ang mga magulang at lider ay naglalaan ng regular na mga pagkakataong maiulat ng mga kabataang babae ang kanilang pag-unlad. Kapag regular na nag-uulat ang isang kabataang babae, naisasalaysay niya ang kanyang mga pagsisikap at naibabahagi kung ano ang kanyang natutuhan at paano napalakas ang kanyang patotoo. Ang mga magulang at lider ay kinikilala ang kanyang mga nagawa, pinagtitibay ang kanyang pagkaunawa at pag-angkop sa mga alituntunin ng ebanghelyo, at hinihikayat siyang patuloy na umunlad. Makakatulong ang kanilang mga pag-uusap sa pagkakaroon ng magigiliw na pag-uugnayan.

Mga Responsibilidad ng mga Lider ng Priesthood

Kapag natapos ng isang kabataang babae ang buong programa sa Pansariling Pag-unlad, iniinterbyu siya ng bishop, gamit ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan bilang gabay. Tinitiyak nitong dumadalo siya sa sacrament meeting, lumalahok sa seminary, at nagbabasa ng Aklat ni Mormon. Maaari itong maging bahagi ng interbyu sa kanya bawat taon o tuwing ika-anim na buwan. Ipinapasiya ng bishop ang pagkamarapat ng kabataang babae na matanggap ang Pagkilala sa Pagdadalaga at nilalagdaan ang kanyang aklat ng Pansariling Pag-unlad upang kilalanin ang pagkumpleto niya ng mga kailangang gawin. Maaari niyang ibigay dito ang Pagkilala sa Pagdadalaga sa sacrament meeting o sa iba pang miting.

Ang tagumpay ng isang kabataang babae sa Pansariling Pag-unlad ay maaari ding kilalanin sa pagtanggap niya ng kanyang mga sertipiko sa Beehive, Mia Maid, at Laurel kapag lilipat na siya ng klase.

Maaaring gamitin ng mga miyembro ng bishopric ang kanilang mga interbyu sa mga kabataang babae upang kilalanin at hikayatin ang pag-unlad ng bawat kabataang babae. Ang Talaan ng Pagsubaybay sa Pansariling Pag-unlad ng Young Women para sa mga Lider, na ginagawa ng Young Women presidency, ay maaaring makatulong sa pag-interbyu ng mga miyembro ng bishopric. Dapat tanungin nang regular ng mga stake president ang mga bishop tungkol sa kapakanan at pag-unlad ng mga kabataang babae sa kanilang ward.

Mga Tagubilin

Ang mga mithiin at kailangang gawin sa programa ay nakabalangkas sa harapan ng aklat na ito. Ang sumusunod na mga karagdagang tagubilin ay maaaring makatulong sa mga lider.

Mga Karanasan sa Pinahahalagahan

  • Maaaring gawin ng isang kabataang babae ang mga pinahahalagahan sa anumang pagkakasunud-sunod.

  • Maliban sa pinahahalagahang kabanalan, hinihikayat ang mga kabataang babae na kumpletuhin ang mga karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin bago gawin ang proyekto sa pinahahalagahang iyon.

Mga Proyekto sa Pinahahalagahan

  • Ang isang proyekto sa pinahahalagahan ay nilayon upang tulungan ang isang kabataang babae na maipamuhay ang natutuhan niya sa mga karanasan sa pinahahalagahan.

  • Ang isang kabataang babae ay dapat gumugol ng di kukulangin sa sampung oras para sa bawat proyekto sa pinahahalagahan. Ang sampung oras na iyon ay hindi maaaring gamitin sa mahigit sa isang proyekto sa pinahahalagahan.

  • Maaaring magtulungan ang mga kabataang babae sa mga proyekto. Gayunman, ang isang kabataang babae ay dapat gumugol ng di kukulangin sa sampung oras ng sarili niyang panahon kung ginagamit niya ang proyektong iyon para isakatuparan ang kailangan niyang gawin para sa sarili niyang Pansariling Pag-unlad.

  • Kapag sinang-ayunan ng mga magulang o lider ng Young Women, ang mabubuting bagay na ginagawa ng mga kabataang babae sa bahay, Simbahan, paaralan, seminary, at komunidad ay maaaring magsakatuparan ng mga kailangang gawin sa Pansariling Pag-unlad.

Pagkumpleto sa Pansariling Pag-unlad

  • Kapag nakumpleto ng isang kabataang babae ang mga kailangang gawin sa Pansariling Pag-unlad bago lisanin ang Young Women, dapat siyang patulungin sa ibang mga kabataang babae na nagsisikap pang tapusin ang Pansariling Pag-unlad. Dapat din siyang hikayating magtamo ng Honor Bee o simulang muli ang programa.

  • Kapag hindi pa nakukumpleto ng isang kabataang babae ang lahat ng kailangang gawin sa Pansariling Pag-unlad bago lisanin ang Young Women, dapat siyang hikayatin na patuloy na sikaping matanggap ang Pagkilala sa Pagdadalaga. Maaaring anyayahan ang mga ina, lider, at iba pang mga ulirang babae na suportahan siya sa pagsasagawa nito.

Pagsubaybay at Bilis ng Paggawa

  • Ibinubuod sa Talaan ng Pansariling Pag-unlad, na matatagpuan sa pahina 77 ng aklat na ito, ang nagawa ng bawat kabataang babae sa Pansariling Pag-unlad.

  • Mayroon ding hiwalay na Talaan ng Pagsubaybay sa Pansariling Pag-unlad ng Young Women para sa mga Lider para masuportahan ang mga lider sa pagsubaybay sa pag-unlad ng bawat kabataang babae (36655 893). Magagamit ito para maalalayan kapwa ang mga lider ng Young Women at ang mga lider ng priesthood sa pagtulong at pagkilala sa bawat kabataang babae.

  • Maaaring gawin ng mga kabataang babae ang programa sa Pansariling Pag-unlad ayon sa sarili nilang bilis; gayunman, inirerekomendang kumumpleto ang isang kabataang babae ng kahit isang karanasan lang sa pinahahalagahan bawat buwan at isang proyekto sa pinahahalagahan tuwing ika-anim na buwan (dalawa sa loob ng isang taon). Kung sinimulan niya itong gawin pagpasok niya ng Young Women sa edad na 12 at nagpatuloy ayon dito sa iminungkahing bilis ng paggawa, matatapos niya ito sa edad na 16. Sa gayon ay may dalawang taon siya para magtamo ng Honor Bee o simulang muli ang programa tulad ng mungkahi sa pahina 83.

Pagkilala sa Bawat Pag-unlad

  • Kapag nakumpleto ng isang kabataang babae ang mga karanasan at proyekto para sa bawat pinahahalagahan, tatanggap siya ng isang sagisag (36654 893) at ng scripture ribbon na nauugnay sa pinahahalagahang iyon. Ilalagay niya ang sagisag na iyon sa pahinang Nagawa sa Pinahahalagahan sa Pansariling Pag-unlad ng kanyang aklat (pahina 78). Gagamitin niya ang ribbon bilang pananda sa kanyang mga banal na kasulatan. Ang pagkilala sa kanyang pag-unlad ay maaaring igawad sa isang miting ng Young Women.

  • Taun-taon, sa Mahuhusay na Kabataang Babae, dapat kilalanin ang mga nagawa ng mga kabataang babae.

  • Ang tagumpay ng isang kabataang babae sa Pansariling Pag-unlad ay maaari ding kilalanin sa pagtanggap niya ng kanyang mga sertipiko sa Beehive, Mia Maid, at Laurel kapag lilipat na siya ng klase. Ang mga sertipikong ito (Beehive, 08563 893; Mia Maid, 08565 893; Laurel, 08564 893) ay iginagawad sa ilalim ng pamamahala ng bishop. Tinatanggap nila ang paglipat ng kabataang babae sa grupo ng mga kaedad niya.

Pagkilala sa Pagdadalaga

  • Kapag nakumpleto ng isang kabataang babae ang kanyang gawain sa lahat ng walong pinahahalagahan at nainterbyu na siya ng bishop, tatanggapin niya ang Pagkilala sa Pagdadalaga. Ang pagkilalang ito ay binubuo ng isang sertipiko (36651 893) at isang medalyon na maaaring ginto o pilak (ginto, 08602; pilak, 08603). Maaaring ibigay ng isang miyembro ng bishopric ang Pagkilala sa Pagdadalaga sa isang sacrament meeting.

  • Matapos makumpleto ang Pagkilala sa Pagdadalaga, maaaring patuloy na umunlad ang isang kabataang babae sa pagtatamo ng Honor Bee charm (ginto, 08562; pilak, 08578; tingnan sa pahina 83). Ang pagkilala sa kanyang pag-unlad ay maaaring igawad sa isang miting ng Young Women.

  • Ang mga gawad at sertipiko ay maaaring makuha sa distribution center ng Simbahan gamit ang pondo ng ward, nang hindi sinisingil ang mga kabataang babae o kanilang mga magulang.

Mga Kailangang Gawin sa Pansariling Pag-unlad para sa mga Lider

Ang mga lider ay hinihikayat na sabayan ang mga kabataang babae sa paggawa ng Pansariling Pag-unlad. Yaong mga lumalahok mismo sa programa sa Pansariling Pag-unlad ay mas nauunawaan ang programa at nagpapakita ng magandang halimbawang susundan ng mga kabataang babae. Maaari nilang matamo ang Pagkilala sa Pagdadalaga matapos silang:

  • Maglingkod nang isang taon bilang lider ng Young Women.

  • Makakumpleto ng mga karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin sa bawat isa sa walong pinahahalagahan.

  • Makakumpleto ng tatlong proyekto sa pinahahalagahan, kabilang na ang proyektong nauukol sa kabanalan.

Paglahok ng mga Ina

Ang mga ina ay maaaring makibahagi sa mga kabataang babae sa pagtamo ng Pagkilala sa Pagdadalaga. Gagawa ang mga ina mula sa sarili nilang aklat ng Pansariling Pag-unlad at maaaring magtamo ng pagkilala kasabay ng kanilang anak. Inirerekomendang tamuhin ng anak ang kanyang pagkilala bago o kasabay ng kanyang ina.

Maaari ding magkumpleto ang mga ina ng mga kailangang gawin ng kanilang mga anak, kabilang na ang:

  • Dumalo nang regular sa sacrament meeting (kung saan maaari).

  • Ipamuhay ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan.

  • Kumpletuhin ang mga karanasan at ang proyekto sa pinahahalagahan para sa bawat isa sa walong pinahahalagahan.

  • Sumulat ng sariling journal.

  • Basahin nang regular ang Aklat ni Mormon.

  • Itala ang kanyang patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo.

Maaaring pumili ng ibang mga opsyon ang mga ina para sa mga karanasan sa pinahahalagahan na mapipiling gawin at mga proyekto sa pinahahalagahan mula sa kanilang mga anak. Ang mga karanasan at proyekto ay maaaring lagdaan at lagyan ng petsa ng kanilang anak, asawa, isang lider ng Young Women, o isa pang adult. Tinitiyak ng bishop na nakumpleto na ang mga kailangang gawin. Dapat makipag-ugnayan sa mga lider ng Young Women at bishopric tungkol sa pagkilala at pagbili ng mga materyal sa pagkilala.

Mga Kailangang Gawin sa Pansariling Pag-unlad para sa Ibang Nais Lumahok sa Programa

Maaaring lumahok at makatapos sa Pansariling Pag-unlad ang ibang kababaihang gustong gawin ito sa pamamagitan ng pagkumpleto rin ng mga kailangang gawin ng mga kabataang babae at pagtulong sa isang kabataang babae sa isang bahagi ng kanyang Pansariling Pag-unlad. (Tingnan sa mga kailangang gawin ng mga ina sa pahina 92.)

Pagsasama ng Pansariling Pag-unlad sa mga Aralin tuwing Linggo at sa Mutual

Ang pagtutulungan sa isang karanasan sa Pansariling Pag-unlad bilang bahagi ng isang aralin sa araw ng Linggo ay magbibigay ng pagkakataon sa mga lider at kabataang babae na talakayin ang mga alituntuning itinuturo at pag-aangkop nito sa buhay ng mga kabataang babae. Ang mga reperensya sa Pansariling Pag-unlad ay matatagpuan sa mga materyal sa kurikulum ng Young Women.

Ang mga aktibidad sa Pansariling Pag-unlad ay maaari ding maging bahagi ng Mutual. Halimbawa, makakatulong ang lahat ng kabataang babae sa proyekto sa pinahahalagahan ng isang kabataang babae. Ang pagtutulungan sa isang proyekto ay makagaganyak sa mga kabataang babae na patuloy na umunlad. Ang gayong mga aktibidad ng grupo ay dapat mapanalanging planuhin at piliing mabuti upang matiyak na nananatiling personal ang programa sa Pansariling Pag-unlad para sa bawat kabataang babae.

Pag-akma sa Indibiduwal at Lokal na mga Pangangailangan

Maaaring iakma ang mga karanasan at mga proyekto sa pinahahalagahan ayon sa mga personal o lokal na kalagayan, kinawiwilihan, at pangangailangan kapag sinang-ayunan ng mga magulang at lider. Kapag gumagawa ng anumang mga pagbabago o eksepsyon para sa isang tao, dapat isipin ng mga lider ang epekto ng mga pagbabagong iyon sa iba pang mga kabataang babae. Matapos pag-isipang mabuti ng mga magulang at lider, maaaring iakma ang mga ito upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataang babaeng may kapansanan o kakaunti ang pinag-aralan, tugunan ang mga kultural o indibiduwal na pangangailangan, o tulutang makalahok ang mga kabataang babaeng hindi miyembro.

Kung sumapi ang isang kabataang babae sa Simbahan o naging aktibo sa Young Women paglagpas ng 16 anyos, ang mga kailangan niyang gawin para makatapos sa programa sa Pansariling Pag-unlad ay:

  • Dumalo nang regular sa sacrament meeting (kung saan maaari).

  • Ipamuhay ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan.

  • Kumpletuhin ang mga karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin sa bawat isa sa walong pinahahalagahan. (Hindi niya kailangang kumpletuhin ang mga karanasang mapipiling gawin.)

  • Kumpletuhin ang isang proyekto sa pinahahalagahan sa bawat isa sa walong pinahahalagahan.

  • Dumalo sa seminary (kung saan mayroon).

  • Basahin nang regular ang Aklat ni Mormon.

  • Itala ang kanyang patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo.

Ang mga kailangang gawin na ito ay maaaring angkop din sa mga kabataang babae na iba ang mga kalagayan ayon sa pasiya ng lokal na mga lider ng Young Women.