Mga Kabataan
Mga Klase at Sagisag ng Young Women


Mga Klase at Sagisag NG
Young Women

Beehive, mga edad 12 at 13

Ang beehive ay sagisag ng pagkakasundo, pagtutulungan, at pagtatrabaho para sa mga unang pioneer ng Simbahan. Beehive rin ang unang itinawag sa mga kabataang babae. Ang mga beehive ngayon ay natututong magtrabaho nang sama-sama nang may pagtutulungan at pagkakasundo habang nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo at naghahandang manindigan sa katotohanan at kabutihan. Panahon ito upang “bumangon at magliwanag” (D at T 115:5).

Mia Maid, mga edad 14 at 15

Ang tawag na Mia Maid ayon sa kasaysayan ay tumutukoy sa Mutual Improvement Association, na ginamit ang simbolong rosas bilang sagisag ng pagmamahal, pananampalataya, at kadalisayan. Ang mga Mia Maid ngayon ay natututo tungkol sa pagmamahal, pananampalataya, at kadalisayan habang nagpapalakas ng patotoo at tumatanggap at kumikilos ayon sa mga pinahahalagahan ng Young Women.

Laurel, mga edad 16 at 17

Sa loob ng maraming siglo ang korona ng laurel ay gawa sa mga dahon ng punong laurel. Ibinibigay ito sa isang dalagitang nakatapos ng makabuluhang gawain bilang sagisag ng karangalan at tagumpay. Ang mga laurel ngayon ay tinatapos ang paghahanda nilang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at tumanggap ng mga ordenansa sa templo.