Integridad
Hanggang sa ako’y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking [integridad] (Job 27:5).
Magkakaroon ako ng katapangang moral na iangkop ang aking mga kilos sa kaalaman ko tungkol sa tama at mali.
Mga Karanasan sa Pinahahalagahan na Kailangang Gawin
Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.
-
Ang integridad ay kahandaan at hangaring ipamuhay ang ating mga paniniwala at pamantayan. Basahin ang Moroni 10:30–33 at pag-isipan ang kahulugan ng “pagkaitan ang inyong sarili ng lahat ng kasamaan.” Basahin ang polyetong Para sa Lakas ng mga Kabataan. Pag-isipan kung paano naiiba ang mga pamantayan ng Panginoon sa mga pamantayan ng mundo. Itala sa iyong journal ang angkop na mga pamantayan sa pagkilos, pananamit, at pakikipag-usap, gayon din sa literatura, mga pelikula, telebisyon, Internet, musika, mga cell phone, at iba pang media. Isulat din ang plano mo para manatiling malinis ang moralidad at karapat-dapat na dumalo sa templo. Matapos sundin ang mga pamantayan mo nang kahit isang buwan lang, itala sa iyong journal ang damdamin mo at patuloy na tuparin ang pangako mo.
-
Magsagawa ng pagsusuri ng sarili mong integridad. Itanong sa sarili ang mga sumusunod: Umiiwas ba ako sa tsismis, di-angkop na mga biro, paglapastangan at pagmumura, at mababaw na pagturing sa mga sagradong paksa? Ako ba ay nagsasabi ng buong katotohanan, malinis ang moralidad, tapat, maaasahan, at mapagkakatiwalaan sa gawain ko sa paaralan at sa iba pang mga aktibidad? Manalangin araw-araw na bigyan ka ng lakas at patnubay ng Espiritu Santo para matulungan kang mamuhay nang may integridad. Isulat sa iyong journal ang mga bagay na magagawa mo upang mapagbuti ang sarili mong integridad at kahit isang bagong gawi lang na nais mong mapagbuti.
-
Ang Tagapagligtas ang perpektong halimbawa ng integridad; ginawa Niya ang ipinangako Niya sa Ama na gagawin Niya. Basahin ang 3 Nephi 11:10–11. Pag-aralan ang buhay ng ibang mga tao sa mga banal na kasulatan na namuhay nang may integridad. Basahin ang Genesis 39; ang aklat ni Esther; Job 2:3; 27:3–6; Daniel 3 at 6; Mga Gawa 26; Doktrina at mga Tipan 124:15; at Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–25. Sa iyong journal tukuyin kung paano nagpamalas ng integridad ang mga taong ito. Isipin kung kailan ka nagkaroon ng tapang na magpakita ng integridad, lalo na kapag hindi ito madali o popular. Ibahagi ang iyong karanasan at damdamin tungkol dito sa isang testimony meeting o aralin o sa isang magulang o lider.
Mga Karagdagang Karanasan sa Pinahahalagahan
Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hanggang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magulang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.
-
Hanapin ang salitang integridad sa diksyunaryo. Interbyuhin ang iyong ina, lola, o isa pang babaeng iginagalang mo tungkol sa pagkaunawa at pag-angkop niya sa salita. Ilista ang mga paraan na maiaangkop mo ang iyong mga gawain sa iyong kaalaman tungkol sa tama at mali, at itala sa iyong journal ang kahulugan sa iyo ng magkaroon ng integridad.
-
Matuto tungkol sa pagtayo bilang saksi. Basahin ang Mosias 18:9. Pagkatapos ay itala sa iyong journal kung paano ka maaaring “tumayo bilang [isang saksi] ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar.” Pumili ng isang personal na pag-uugaling kailangan mong pagbutihin para maging mas mabuti kang halimbawa. Magkaroon ng integridad sa buhay mo habang sinasanay mo ang bago mong pag-uugali sa loob ng tatlong linggo. Itala sa iyong journal ang iyong pag-unlad.
-
Ang pamumuhay ng batas ng ayuno ay isang pagkakataong magpakita ng integridad. Sa takdang Linggo ng ayuno, huwag kumain at uminom sa dalawang magkasunod na kainan at mag-ambag sa handog-ayuno ng iyong pamilya. Magkaroon ng isang partikular na layunin habang nag-aayuno. Maaari kang mag-ayuno para sa isang kaibigang maysakit, para madaig ang isang masamang gawi, para magtamo ng espesyal na pagpapala para sa iyong sarili o sa ibang tao, o para magpasalamat. Simulan at tapusin ang iyong ayuno sa panalangin.
-
Ilista ang mga isyu, kalakaran, at problemang nagpapabuway sa pamilya. Basahin ang mensahe ng Unang Panguluhan sa pahina 1 ng aklat na ito, “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (tingnan sa pahina 101), at ang bahagi tungkol sa pamilya sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Pagkatapos ay saliksikin sa mga magasin ng Simbahan ang payo ng mga sinang-ayunan natin bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Isulat sa iyong journal ang plano mong patatagin ang iyong pamilya sa kasalukuyan at ang mga pinahahalagahan at tradisyong gusto mong pasimulan sa magiging pamilya mo.
Mga Pansariling Karanasan sa Pinahahalagahan
Proyekto sa Pinahahalagahan
Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalagahan na nauugnay sa integridad, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahalagang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.
Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka magsimula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.
-
Magtala ng mga halimbawa kung paano nagpamalas ng integridad ang mga kapamilya sa buhay nila.
-
Ang pagkakaroon ng integridad ay pagtupad sa iyong mga pangako. Tukuyin at tuparin ang iyong mga pangako sa iba sa paglahok mo bilang miyembro ng isang team o organisasyon o sa isang posisyon sa pamunuan sa iyong paaralan o komunidad.
-
Gamit ang I Kay Timoteo 4:12 bilang gabay mo, mag-organisa o magsagawa ng isang aktibidad na tutulong sa iyo na makagawiang maging “uliran ng mga nagsisisampalataya.”
-
Kailangan ang integridad sa paggawa at pagtupad ng mga tipan sa templo. Maghandang gumawa ng mga tipan sa templo sa pamamagitan ng pagtatahi at pagsusuot ng isang damit na tugma sa mga pamantayan ng disenteng pananamit ayon sa paliwanag sa polyetong Para sa Lakas ng mga Kabataan at sa mga salita ng mga buhay na propeta.
-
Sa mga mensahe ng mga General Authority, magsaliksik ng mga paksa tungkol sa integridad at katapatan. Alamin kung bakit napakahalaga ng mga alituntuning ito sa iyong kaligayahan at paghahanda para sa templo. Lumikha ng isang bagay (tulad ng isang larawan, isang aklat ng mga sipi, o isang bagay na tahing-kamay) na magpapaalala sa pangako mo bawat araw na maging tapat at totoo sa lahat ng oras at makilala ka dahil sa iyong personal na integridad.
Ang proyekto ko ay:
Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:
Pagsang-ayon
Tinatayang petsa ng pagkumpleto
Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa integridad):
Lagda ng magulang o lider
Petsa
Ginugol na oras