Kaalaman
Maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya (D at T 88:118).
Ako ay patuloy na maghahanap ng mga pagkakataong matuto at umunlad.
Mga Karanasan sa Pinahahalagahan na Kailangang Gawin
Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.
-
Matuto tungkol sa kahalagahan ng pagtatamo ng kaalaman sa pagbasa ng Mga Kawikaan 1:5; 4:7; 2 Nephi 28:30; at Doktrina at mga Tipan 88:78–80, 118; 90:15; 130:18–19; 131:6. Pag-isipan kung bakit mo kailangang malaman at maunawaan kung paano ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo sa tahanan at pamilya mo sa kasalukuyan at sa hinaharap. Isulat sa iyong journal ang natutuhan mo tungkol sa kaalaman, at talakayin ito sa isang kapamilya o lider ng Young Women.
-
Sa iyong journal ilista ang mga talento mo at ang iba pang gusto mong pagyamanin. Basahin ang Mateo 25:14–30. Matuto ng isang bagong kasanayan o talentong tutulong sa iyo na mapangalagaan ang sarili mong pamilya o tahanan sa hinaharap (halimbawa, pagtugtog ng piyano, pagkanta, pagbabadyet, paggamit ng oras, pagluluto, pananahi, o pag-aalaga ng bata). Ibahagi sa iyong pamilya, klase, o lider ng Young women ang natutuhan mo.
-
Isaulo ang ika-labintatlong Saligan ng Pananampalataya at bigkasin ito sa isang magulang, isang lider, o isa pang adult. Pagkatapos ay bumisita sa isang museo o exhibit o dumalo sa isang pagtatanghal na may sayaw, musika, talumpati, o drama. Gamit ang saligang ito ng pananampalataya bilang gabay, suriin kung ano ang nakita at narinig mo. Sa iyong journal isulat ang mga ideya mo kung paano mo magagamit ang saligang ito ng pananampalataya bilang gabay sa lahat ng ginagawa mo upang makasama mo palagi ang Espiritu Santo. Ibahagi ang mga ideyang iyon sa isang magulang o lider.
Mga Karagdagang Karanasan sa Pinahahalagahan
Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hanggang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magulang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.
-
Pumili ng isang alituntunin ng ebanghelyo na gusto mong mas maunawaan (halimbawa, pananampalataya, pagsisisi, pag-ibig sa kapwa, mga walang hanggang pamilya, o mga tipan sa binyag). Basahin ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta sa mga huling araw na nauugnay sa alituntunin. Maghanda ng isang limang-minutong pananalita tungkol sa paksa at ibigay ito sa sacrament meeting, sa miting ng Young Women, sa iyong pamilya, o sa klase. Itala sa iyong journal kung paano mo maipamumuhay ang alituntuning ito ng ebanghelyo.
-
Pag-aralan ang tungkol sa isang trabaho o serbisyo na interesado ka. Kausapin ang isang taong nagtatrabaho sa larangang iyon at alamin kung ano ang mga responsibilidad ng taong ito sa trabaho, ano ang training o pinag-aralan ng taong ito para magawa ang trabaho, at ano ang mga kontribusyong nagagawa ng trabaho ng taong ito sa lipunan. Itala sa iyong journal ang mga natuklasan mo.
-
Isaulo ang dalawa sa paborito mong mga himno mula sa himnaryo. Matuto ng wastong pagkumpas sa mga himno (tingnan sa Mga Himno, 383–85) pagkatapos ay ikaw ang kumumpas kahit sa dalawang himno lang sa family home evening, sa miting ng Young Women o iba pang miting ng Simbahan, o sa seminary. Basahin ang mga banal na kasulatang nakalista sa ilalim ng bawat himno.
-
Sa Young Women camp natututo ka ng mga kasanayan sa first aid, kaligtasan, kalinisan, at pananatiling buhay. Repasuhin ang mga turong ito sa iyong Young Women Camp Manual at isulat sa iyong journal kung paano mo ito maiaangkop sa iyong tahanan para manatiling ligtas ang pamilya mo. Gumawa ng listahan ng mga pangunahing suplay na kakailanganin ng pamilya mo sa oras ng emergency. Magturo ng isang aralin sa family home evening o ibahagi sa isang lider ng Young Women ang natutuhan mo at ang mga karagdagang kasanayang gusto mong matutuhan para maging handa sa mga emergency.
Mga Pansariling Karanasan sa Pinahahalagahan
Proyekto sa Pinahahalagahan
Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalagahan na nauugnay sa kaalaman, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahalagang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.
Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka magsimula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.
-
Matutong mag-organisa, maglinis, at mag-ayos ng bahay mula sa iyong ina, lola, o isa pang babaeng hinahangaan mo. Pagkatapos ay gamitin ang natutuhan mo sa iyong tahanan.
-
Maghanda para sa mas mataas na edukasyon at pagtatamo ng mga kasanayang pangkalakalan sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang mga kailangan para makapasok sa kolehiyo o trade school, mga scholarship, at matrikula at iba pang mga gastusin. Mag-aplay para makapasok kapag naaangkop.
-
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 89. Isipin kung ano ang magagawa mo para maging mas malusog. Pagandahin ang iyong kalusugan sa pagkakaroon at pagsasagawa ng regular na programa sa ehersisyo at pag-aaral na magluto at kumain ng masusustansyang pagkain.
-
Matuto tungkol sa wastong pangangalaga ng damit, pati na paglalaba, pagpaplantsa, at pagsusulsi ng mga simpleng sira at pagbabago ng istilo ng damit. Gamitin ang mga kasanayang natutuhan mo sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa mga damit mo.
-
Sa tulong ng iyong ina, lola, o isang babae sa iyong ward o branch, magpakahusay sa isang kasanayan sa pangangasiwa ng tahanan na itinuturo niya sa iyo.
Ang proyekto ko ay:
Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:
Pagsang-ayon
Tinatayang petsa ng pagkumpleto
Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa kaalaman):
Lagda ng magulang o lider
Petsa
Ginugol na oras