Mga Kabataan
Kahalagahan ng Sarili


Kahalagahan ng Sarili

Tandaan na ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos (D at T 18:10).

Ako ay may walang hanggang kahalagahan at may sarili akong banal na misyon, na pagsisikapan kong isakatuparan.

Mga Karanasan sa Pinahahalagahan na Kailangang Gawin

Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

  1. Ikaw ay anak na babae ng Ama sa Langit, na kilala ka at mahal ka. Basahin ang Mga Awit 8:4–6; Jeremias 1:5; Juan 13:34; Doktrina at mga Tipan 18:10; Abraham 3:22–23; at Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–20. Isulat sa iyong journal kung paano itinuturo sa iyo ng mga banal na kasulatang ito na kilala, mahal, at inaalala ka ng Ama sa Langit.

  2. Matuto tungkol sa kahalagahan ng mga patriarchal blessing sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol dito sa Tapat sa Pananampalataya at sa mga mensahe sa huling kumperensya. Alamin kung bakit ito ibinibigay at sino ang makapagbibigay nito. Talakayin sa isang magulang o lider ng Simbahan kung paano maghandang tumanggap ng patriarchal blessing at paano nito maituturo sa iyo ang iyong kahalagahan at pagkatao at paano ito magiging gabay sa iyo habambuhay. Kung hindi mo pa natatanggap ang blessing mo, maghandang tumanggap nito.

  3. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:10 at 121:45. Gawin ang lahat ng kaya mo para mapalakas ang loob ng iba at maipadamang sila ay mahalaga. Araw-araw sa loob ng dalawang linggo pansinin ang nakalulugod na mga katangian at pag-uugali ng iba. Purihin sila sa salita o sa sulat. Sa iyong journal isulat ang natutuhan mo tungkol sa kahalagahan ng mga tao at kung paano lumalaki ang tiwala mo sa sarili kapag pinalalakas mo ang loob ng iba.

Mga Karagdagang Karanasan sa Pinahahalagahan

Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hanggang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magulang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

  1. Naghahanda ka ngayong magsakatuparan ng isang natatanging misyon sa lupa. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 88:119. Sa iyong journal ilista ang mga inaasam at pinapangarap mo sa iyong magiging tahanan, pamilya, at edukasyon at ilang mahalagang bagay na gusto mong isagawa sa buhay mo, kabilang na ang pagiging asawa at ina. Pagkatapos ay sumulat ng isang planong tutulong sa iyo para makamtan ang iyong mga mithiin. Ibahagi ang planong ito sa isang kapamilya, lider, o kaibigan.

  2. Lumahok sa isang pagtatanghal ng sayaw, talumpati, musika, o drama sa paaralan, sa iyong komunidad, o sa simbahan. Paano pinalakas ng paglahok sa aktibidad na ito ang iyong pagpapahalaga at tiwala sa sarili? Itala sa iyong journal ang mga naiisip mo.

  3. Kapag nagsaliksik ka ng kasaysayan ng iyong pamilya, mauunawaan mo ang iyong pagkatao at kahalagahan ng sarili. Bisitahin ang buhay mong mga kamag-anak upang makakuha ng maraming impormasyon tungkol sa kasaysayan ng iyong pamilya hanggang maaari. Pagkatapos ay kumpletuhin ang pedigree chart ng iyong pamilya at ilista ang mga ordenansa sa templo na nakumpleto na para sa bawat tao.

  4. Binigyan ka ng Ama sa Langit ng mga espesyal na kaloob. Basahin ang I Mga Taga Corinto 12:4–12; 13; Moroni 7:12–13; 10:8–18; at Doktrina at mga Tipan 46:11–26. Ipasulat sa isang kapamilya, lider ng Young Women, at kaibigan ang magagandang katangiang ipinagkaloob sa iyo ng Panginoon. Ilista sa iyong journal ang iyong mga kaloob, at isulat kung paano mo patuloy na mapagyayaman ang mga kaloob na ito at magagamit ito sa paglilingkod sa iyong pamilya at sa iba.

Mga Pansariling Karanasan sa Pinahahalagahan

Proyekto sa Pinahahalagahan

Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalagahan na nauugnay sa kahalagahan ng sarili, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahalagang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.

Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka magsimula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.

Ikaw ay may natatangi at banal na misyong gagampanan sa lupa at nabiyayaan ng mga talento para maisagawa ang misyong ito. Kapag nakumpleto mo ang isa sa sumusunod na mga proyekto, masasaksihan mo ang kahalagahan at naitulong ng iba at makikita mo rin ang impluwensya mo sa buhay ng iba. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa mga katrabaho mo, at itala sa iyong journal ang mga karanasan mo.

  • Tipunin ang kasaysayan mo o ng pamilya mo gamit ang mga journal entry, larawan, at mahahalagang papeles.

  • Ibahagi ang isa sa mga kaloob mo sa pamamagitan ng pagtuturo o pag-alalay sa isang tao sa isang asignatura sa paaralan, musika, isport, o makasining na kasanayan.

  • Magsagawa ng isang proyekto na magpapabuti sa sitwasyon sa buhay ng isang taong nangangailangan.

  • Mangasiwa o lumahok sa isang youth choir, dula-dulaan, pagtatanghal ng talento, o art exhibit.

  • Matuto ng isang kasanayang pangkalakalan na makakatulong sa trabaho mo sa kasalukuyan o sa hinaharap.

Ang proyekto ko ay:

Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:

Pagsang-ayon

Tinatayang petsa ng pagkumpleto

Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa kahalagahan ng sarili):

Lagda ng magulang o lider

Petsa

Ginugol na oras