Mga Kabataan
Tema ng Young Women


Young Women

KAMI ay mga anak na babae ng aming Ama sa Langit, na nagmamahal sa amin, at mahal namin Siya. Kami ay “tatayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” (Mosias 18:9) habang nagsisikap kaming maipamuhay ang mga pinahahalagahan ng Young Women, gaya ng:

Pananampalataya Banal na Katangian Kahalagahan ng Sarili Kaalaman Pagpili at Pananagutan Mabubuting Gawa Integridad at Kabanalan

Naniniwala kami na sa pagtanggap at pagsasagawa namin ng mga pinahahalagahang ito, magiging handa kaming palakasin ang tahanan at mag-anak, gawin at sundin ang mga sagradong tipan, tanggapin ang mga ordenansa sa templo, at tamasahin ang mga biyaya ng kadakilaan.