Mga Kabataan
Mabubuting Gawa


Mabubuting Gawa

Samakatwid hayaan na ang inyong ilaw ay magliwanag sa harapan ng mga taong ito, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit (3 Nephi 12:16).

Tutulungan ko ang iba at itatayo ko ang kaharian sa pamamagitan ng matwid na paglilingkod.

Mga Karanasan sa Pinahahalagahan na Kailangang Gawin

Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

  1. Pag-aralan kung bakit pangunahing alituntunin ng ebanghelyo ang paglilingkod. Basahin ang Mateo 5:13–16; 25:34–40; Mga Taga Galacia 6:9–10; Santiago 1:22–27; Mosias 2:17; 4:26; at 3 Nephi 13:1–4. Madalas maglingkod ang ibang tao na maaaring hindi mo napapansin, tulad ng paghahanda ng pagkain, pagbabasa o pakikinig sa mga batang musmos, pagsusulsi ng mga damit, o pagtulong sa isang kapatid. Sa loob ng dalawang linggo itala sa iyong journal ang mga di napapansing paglilingkod na ginagawa ng iyong mga kapamilya at ng iba. Purihin ang kanilang paglilingkod sa ilang makabuluhang paraan.

  2. Ang paglilingkod ay isang mahalagang alituntunin ng pamumuhay ng pamilya. Tumulong sa pagpaplano ng kakainin ng iyong pamilya, pagbili ng pagkain, at paghahanda ng ilang mga pagkain sa loob ng dalawang linggo. Sa panahong iyan tulungan ang iyong pamilya na magkasalu-salo sa oras ng pagkain. Iulat sa klase ang natutuhan mo.

  3. Basahin ang Mosias 18:7–10, at ilista sa iyong journal ang tatlong paraan na maaaliw mo ang iba o mapapagaan ang kanilang mga pasanin. Gawin ang mga nasa listahan mo, at ikuwento ang karanasan sa isang kapamilya o lider at kung paano nagbago ang iyong pag-uugali at pang-unawa.

Mga Karagdagang Karanasan sa Pinahahalagahan

Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hanggang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magulang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

  1. Magturo ng isang aralin tungkol sa paglilingkod sa family home evening o sa ibang pagkakataon. Gumamit ng mga larawan, musika, halimbawa, o demonstrasyon sa iyong aralin. Maaari mong gamitin ang manwal na Pagtuturo, Walang Higit na Dakilang Tungkulin bilang sanggunian.

  2. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 58:26–28. Umisip ng mga paraan na maisasagawa ng isang kabataang babae, gayundin ng isang asawa at ina, ang banal na kasulatang ito sa kanyang pamilya. Ugaliing maglingkod sa buhay mo sa pamamagitan ng pagpili ng isang kapamilyang matutulungan mo. Paglingkuran ang taong iyon kahit isang buwan lang. Itala sa iyong journal ang mga kilos at damdamin mo kung paano nito napagbuti ang pakikipag-ugnayan mo sa taong iyon.

  3. Gumugol ng kahit tatlong oras lang sa paglilingkod sa hindi mo kapamilya. Humingi ng mga mungkahi sa iyong ward o branch Relief Society president o sa isang lider ng komunidad kung paano ka makapaglilingkod. Halimbawa, maaari kang mag-alaga ng mga bata habang nasa templo ang mga magulang; mangolekta, gumawa, o mag-ayos ng mga laruan o laro para sa isang nursery; tumanggap ng tungkuling linisin ang meetinghouse; o gawin ang iuutos ng o basahan ang isang taong maysakit o kapansanan o ibang taong nangangailangan. Itala sa iyong journal ang mga reaskyon ng taong pinaglingkuran mo at ang mga posibleng mithiin para sa mga pagkakataong maglingkod sa hinaharap.

  4. Sa iyong mabubuting gawa, makikita ng iba ang iyong halimbawa at nanaisin nilang makaalam pa tungkol sa ebanghelyo. Ipagdasal na makapagmisyon. Basahin ang Mateo 24:14; 28:19; at Doktrina at mga Tipan 88:81. Anyayahan ang isang kaibigang hindi miyembro ng Simbahan o isang taong di-gaanong aktibo na sumama sa iyo sa isang miting o aktibidad sa Simbahan. Ipakilala ang kaibigan mo sa iba, at tiyaking makalahok siya. Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa ebanghelyo, at anyayahan siyang pumunta muli.

Mga Pansariling Karanasan sa Pinahahalagahan

Proyekto sa Pinahahalagahan

Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalagahan na nauugnay sa mabubuting gawa, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahalagang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.

Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka magsimula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.

  • Tumulong na magplano at lumahok sa isang proyektong linisin at pagandahin ang iyong komunidad.

  • Maghandang maging tagapangasiwa ng tahanan sa pagkolekta ng mga putahe, pamimili, at paghahanda ng pagkain para sa pamilya mo.

  • Tulungan ang isang kapamilya sa pagtitipon ng mga pangalan ng ilang yumaong kamag-anak na hindi miyembro ng Simbahan. Tukuyin ang petsa ng kanilang kapanganakan at kamatayan at maghandang isumite ang pangalan nila sa templo. Tumulong na magplano ng isang temple trip at magpabinyag para sa mga kamag-anak na iyon.

  • Maghandang maglingkod sa iba sa pamamagitan ng pagtanggap ng training para sa isang kasanayang magagamit sa emergency, tulad ng first aid, resuscitation, o pagliligtas ng buhay.

  • Maglingkod sa iba. Magboluntaryo sa komunidad, magtipon ng mga bagay-bagay para sa pagkakawanggawa, habaan ang oras sa pagtulong sa pag-aalaga ng isang bata o matanda, o magturo sa paaralan o sa iyong komunidad.

Ang proyekto ko ay:

Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:

Pagsang-ayon

Tinatayang petsa ng pagkumpleto

Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa mabubuting gawa):

Lagda ng magulang o lider

Petsa

Ginugol na oras