Pagtanggap sa Pansariling Pag-unlad
Ikaw ay pinakamamahal na anak na babae ng Ama sa Langit, na inihandang pumarito sa lupa sa natatanging panahong ito para sa isang sagrado at maluwalhating layunin. Nasa iyo ang marangal na tungkuling gamitin ang iyong lakas at impluwensya para sa kabutihan. Biniyayaan ka ng iyong mapagmahal na Ama sa Langit ng mga talento at kakayahang tutulong sa iyo upang tuparin ang iyong banal na misyon. Kapag natuto kang tumanggap at kumilos ayon sa mga pinahahalagahan ng Young Women sa buhay mo, makakagawian mong manalangin, mag-aral ng mga banal na kasulatan, sundin ang mga kautusan, at maglingkod sa iba. Ang mga personal na gawing ito ay magpapalakas sa iyong pananampalataya at patotoo kay Jesucristo. Makikilala at mapagyayaman mo rin ang natatangi mong mga kaloob dahil dito.
Laging gamitin ang iyong impluwensya para pasiglahin at pagpalain ang iyong pamilya, ang ibang mga kabataang babae, at ang mga kabataang lalaking nakakasalamuha mo. Igalang ang pagkababae, suportahan ang priesthood, at itangi ang katapatan sa pagiging ina at pagiging ama.
Sa paglahok mo sa Pansariling Pag-unlad, kasama ka ng libu-libo pang kabataang babaeng nagpupunyaging lumapit kay Cristo at “tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” (Mosias 18:9). Sumangguni sa iyong mga magulang, at mapanalanging pumili ng mga mithiing tutulong sa iyo na malinang ang mga katangian ng kahinhinan, mapalakas ang iyong patotoo, at maabot ang iyong banal na potensyal. Gamitin nang matalino ang panahon mo sa Young Women sa pamamagitan ng paghahandang tumanggap ng mga sagradong ordenansa sa templo, maging tapat na asawa at ina, at patatagin ang iyong tahanan at pamilya.
Ang Unang Panguluhan