Ano ang Gagawin Ko Kapag Nagkukumpleto Ako ng Pansariling Pag-unlad?
Ang pagtatapos sa programa sa Pansariling pag-unlad ay isang makabuluhang hakbang sa pagpapalakas ng iyong pananampalataya at patotoo at paghahanda para sa mga tipan sa templo. Natuto kang gumawa ng mga tapat na pangako, tuparin ang mga ito, at iulat ang iyong pag-unlad. Dapat ituloy ang prosesong ito habang nananatili ka sa landas patungo sa templo at patuloy mong pinagyayaman ang mga katangiang tutulong sa iyo habambuhay. Maaari mong ituloy ang iyong pag-unlad sa pagtatamo ng Honor Bee o pagsisimulang muli ng Pansariling Pag-unlad.
Magtamo ng Honor Bee
Ang Honor Bee charm ayon sa kasaysayan ay ibinigay sa mga kabataang babaeng handang gumawa ng higit pa kaysa kailangang gawin. Upang patuloy na umunlad, maaari kang magtamo ng Honor Bee para maisama sa iyong medalyon sa Pagkilala sa Pagdadalaga. Maaari kang magtamo ng Honor Bee charm matapos magkumpleto ng dalawang sumusunod na kailangang gawin:
-
Muling basahin ang Aklat ni Mormon. Ang araw-araw na gawing mag-aral ng mga banal na kasulatan ay magpapalakas sa iyong pananampalataya at tutulungan kang tumanggap ng personal na inspirasyon at patnubay habambuhay. Kung magbabasa ka kahit limang minuto lang sa isang araw, matatapos mo ang buong Aklat ni Mormon sa isang taon.
-
Maglingkod sa iba sa loob ng kabuuang 40 oras. Kung saan maaari, ang ilan sa mga oras na ito ay dapat kabilangan ng pagtuturo sa isa pang kabataang babae sa kanyang Pansariling Pag-unlad. Dapat itong gawin sa ilalim ng pamamahala ng ward o branch Young Women presidency. Habang tinutulungan mo ang isa pang kabataang babae, maaari mo siyang:
-
Kaibiganin.
-
Pakitaan ng halimbawa ng isang matwid na anak ng Diyos.
-
Hikayating magpatulong sa kanyang mga magulang sa pagpili ng angkop na mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan.
-
Tulungang gawin ang kanyang mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan.
-
Tulungang magtala ng mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan.
-
Tulungang unawain ang mga alituntunin ng ebanghelyo na itinuturo ng mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan.
-
Hikayating basahin ang Aklat ni Mormon, at talakayin sa kanya ang nabasa niya.
-
Hikayating magbahagi ng mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan sa kanyang pamilya.
-
Simulang Muli ang Pansariling Pag-unlad
Maaari mong simulang muli ang buong programa sa Pansariling Pag-unlad at tamuhin ang ikalawang medalyon sa Pagkilala ng Pagdadalaga.