Pagkilala sa Pagdadalaga
Kapag natapos mo na ang programa sa Pansariling Pag-unlad, maaari mo nang matanggap ang Pagkilala sa Pagdadalaga. Para matanggap ang gawad na ito:
-
Dumalo nang regular sa sacrament meeting (kung saan maaari).
-
Ipamuhay ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan.
-
Kumpletuhin ang mga karanasan at ang proyekto sa pinahahalagahan para sa bawat isa sa walong pinahahalagahan.
-
Sumulat ng sariling journal.
-
Dumalo sa seminary o lumahok sa sariling pag-aaral ng institute (kung saan mayroon).
-
Basahin nang regular ang Aklat ni Mormon.
-
Itala ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo.
Ang gawad na ito ay kinikilala ang iyong pagkamarapat at pagkumpleto ng lahat ng kailangang gawin sa Pansariling Pag-unlad. Bilang tatanggap ng gawad, ipinapakita mo na nagkaroon ka na ng huwaran ng pag-unlad sa iyong buhay. Handa ka nang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan sa templo. Tapat ang pangako mong sundin ang mga kautusan, maglingkod sa iba, at pagyamanin at ibahagi ang iyong mga kaloob at talento. Magsisikap kang patatagin ang tahanan at pamilya.
Ang Pagkilala sa Pagdadalaga ay maaaring ibigay sa sacrament meeting. Matapos mong matanggap ang gawad, dapat ay patuloy mong ipamuhay nang tapat ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Isagawa ang natutuhan mo habang patuloy kang naghahandang gumawa ng mga sagradong pakikipagtipan sa Ama sa Langit sa templo. Matatamasa mo ang galak at kaligayahan sa paggawa nito.