2021
Isang Mensahe mula sa Unang Panguluhan
Enero 2021


“Isang Mensahe mula sa Unang Panguluhan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2021, 2.

Isang Mensahe mula sa Unang Panguluhan

Mahal naming mga batang kapatid,

Nagpapasalamat kami na maipakilala sa inyo ang bagong magasing ito para sa mga kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw: Para sa Lakas ng mga Kabataan. Nagpapasalamat kami para sa inyong kabutihan at lakas bilang mga kabataan ng Simbahan ngayon. Tunay na kayo ang pag-asa ng Israel. Taos-puso naming hinahangad na ang bagong lathalaing ito ay makatutulong sa inyo na manatiling matatag at malapit sa inyong Ama sa Langit at sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo.

Ang Panginoon ay may dakilang gawain para sa inyo at sa inyong henerasyon. Para matulungan kayo, ang magasing ito ay magbibigay ng mga napapanahong turo ng mga makabagong propeta at apostol, na nagmamahal sa inyo. Habang pinag-aaralan ninyo ang mga banal na kasulatan gamit ang resources na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ng Simbahan para sa pamumuhay at pag-aaral ng ebanghelyo ni Jesucristo, maaari rin ninyong tingnan sa magasing ito ang mga karagdagang kaalaman, kabatiran, at inspirasyon.

Sa unang pagkakataon, ang hiwalay na lathalaing ito na para lamang sa mga kabataan ay makukuha sa iba’t ibang bansa at wika. Umaasa kami na magdudulot ito ng pakiramdam na kabilang at bahagi kayo at na makahuhugot kayo ng lakas mula sa mga patotoo at karanasan na ibinahagi ng iba pang mga kabataan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang pangalan ng magasin na ito ay nagpapakita ng aming tiwala sa inyong lakas bilang mga kabataan ng Simbahan. Pinatototohanan namin na ang tunay na kagalakan ay nagmumula sa ating pananampalataya kay Jesucristo, sa Kanyang ebanghelyo, at sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan.

Taos-pusong sumasainyo,

Ang Unang Panguluhan

Print