2021
Hello
Enero 2021


“Hello,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2021, loob ng pabalat sa harapan.

Hello

Kilalanin ang inyong bagong magazine.

Larawan
mga kabataan

Ang Para sa Lakas ng mga Kabataan ay magasin ninyo na partikular na ginawa para sa mga kabataan.

Makakakita kayo sa bawat isyu ng isang bagay na espesyal. Magkakaroon tayo ng mga mensaheng magpapalakas ng espirituwalidad mula sa mga Apostol at sa iba pang mga lider, mga patotoo at karanasan mula sa mga kabataan, masasayang aktibidad, at marami pang iba.

Dito sa bahaging ito ay itatampok namin ang mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo na nagkukuwento tungkol sa mga bagay na gusto nilang gawin at nagbibigay sa atin ng kaunting kaalaman tungkol sa kanilang buhay. Gusto rin naming ibahagi ninyo ang inyong mga kuwento! Padalhan ninyo kami ng isang mensahe kasama ng mga paborito ninyong libangan, isang paboritong talata sa banal na kasulatan, kaunting kaalaman tungkol sa pamilya ninyo, at isang maikling karanasan kung saan ay nadama ninyo na tinulungan kayo ng Panginoon. Mag-email sa amin sa liahona@ldschurch.org.

Print