“Pagtatanggol sa Aking mga Paniniwala,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2021, 27.
Mga Saligang Kaytibay
Pagtatanggol sa Aking mga Paniniwala
Isang gabi, kasama ko ang mga kaibigan ko. Nag-uusap kami at nagsimula silang magtsismisan tungkol sa iba ko pang mga kaibigan na wala roon. Hindi ako komportable sa mga sinasabi nila. Pagkatapos ay nakatanggap ako ng pahiwatig mula sa Espiritu na ipagtanggol ko ang aking pinaniniwalaan.
Nang walang pag-aatubili, sinabi ko sa kanila na hindi ako komportable sa sinasabi nila at hiniling na huwag silang magtsitsimisan kapag kasama ako. Sinabi nila na bahagi lang ito ng buhay at hindi iyon mahalaga. Nang hindi nagagalit sa isinagot nila, nakinig ako sa opinyon nila at saka ko ipinaliwanag ang pinaniniwalaan ko. Pagkatapos ay tumayo ako at umalis.
Ang karanasan ko nang gabing iyon ay nagpaisip sa akin ng dinanas ni Joseph Smith noon. Nang makuha ni Joseph Smith ang mga laminang ginto, dumanas siya ng maraming pang-uusig. Gaano man katindi ang pang-uusig na iyon, nanatiling matatag si Joseph Smith at hindi pinanghinaan ng loob. Kasama ni Joseph Smith ang Diyos at tinulungan siya, at alam ko na kasama ko rin ang Diyos kapag naninindigan ako sa tama.
Nawalan ako ng ilang kaibigan nang gabing iyon dahil sa pagtatanggol ko sa aking mga paniniwala, at ikinalungkot ko ito. Ngunit nakadama ako ng kapayapaan at kapanatagan sa paggawa ng tama. Kalaunan, pinasalamatan ako ng isa sa mga kaibigan ko dahil sa sinabi ko. Dahil diyan, lalong tumibay ang pagkakaibigan namin kaysa dati.
Andrew F., Utah, USA